Chapter 11

60 2 0
                                    

Vincent's PoV

Ayon sa nalaman ng imbestigador na hinire ko, si Oshin ang babaeng kasama ngayon ni Bianca. May ilang buwan na ring sa condo nito nakatira si Bianca. Hindi ko tuloy maiwasang mainis. Kasi simula noong tulungan ni Oshin si Bianca ay nahihirapan na din akong gumawa ng paraan para tulungan ito.

"Anong plano mo? Mukhang bihira na lumabas ng building si Bianca."si Migs.

"Hindi ko alam. Siguro, ang abangan siya ditosa labas ang tangi ko na lang magagawa."sagot ko naman dito.


"Talagang magtatyaga ka? Ewan ko sayo Tol. Dyan ka na nga." Umalis si Migs sa coffeeshop. Dito na ako madalas tumambay ngayon. May isang hindi kaliitang coffeeshop dito sa tapat ng building kung saan nakatira sina Bianca at Oshin.

Wala ding araw na hindi ko inaasikaso ang case ni Daddy. Ayon sa nakalap na source nina Atty. Guzman, may third party sa pagitan ni Mommy at ni Daddy bago sila ikasal nito. Maaaring iyon daw ang isa sa dahilan kung bakit naging ganoon na lamang ang trato ni Daddy kay Mommy. Pero mali pa rin na ipilit ni Daddy ang sarili kay Mommy kapag gusto nito. Nakakaawa noon si Mommy. Lalo lang nadadagdagan ang galit ko kay Daddy everytime na maaalala ko kung gaano niya nasaktan si Mommy.



Isang araw habang naghihintay sa labas ng building kung saan sina Bianca nakatira, nakarinig ako ng sirena ng ambulansya. Nakaramdam ako ng kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang babaeng isinasakay sa ambulansya. Si Bianca!



Napabalikwas ako at agad na sumakay sa sasakyan ko. Sinundan ko ang ambulansya. Isa lang ang naiiisip ko. Manganganak na ang mahal ko.






Pilit akong nagtatago sa right side ng hallway para hindi ako mapansin ni Oshin. Bakas sa mukha ng babae ang labis na pag-aalala kay Bianca habang naghihintay ito sa labas ng delivery room. Maya-maya pa ay tumunog na ang phone ko. Si Dr. Diaz.




"Success Mr. Novales. Congratulations again." Hindi ako nakasagot dito. Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ni Doc bagkus ay ang iyak ng sanggol kung nasaan ito ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko lubos na mapigilan ang pagluha ko. Ang boses ng anak ko habang umiiyak ay parang isang musika sa aking tenga. "Ang baby ko. Ang baby namin."sambit ko kasabay ng aking mga hikbi.



"You can see him at the nursery room later. Sa ngayon kailangan namin siya injectionan para anti-hepa B."



"Doc, si Bianca? Is she okay?"pag-aalala ko.


"Yes. Infact, napakatapang niya. Sa ngayon, nakatulog siya sa pagod dahil sa kanyang panganganak. Matapos naming linisan ang mag-ina, isasaayos ko ang kwarto niya na binayaran ni Miss Kim. Then, si Baby boy naman ay ilalagay muna namin sa nursery room kasama ng mga iba pang babies."mahabang paliwanag ni Doc.

"Maraming-maraming salamat, Doc. Hindi ako nagkamali sa inyo."masaya kong sabi dito.


"Sige. I have to go."





Hindi ako makapaniwala. Daddy na ako ngayon. Sa aking harapan, kitang-kita ko ang anak ko na mahimbing sa pagkakatulog. Kamukhang-kamukha ko siya. Hindi maitatangging akin siya. "Sorry Baby. Hindi ko nagawang alagaan si Mommy mo habang nasa kanya ka pa. Hayaan mo, gagawa si Daddy ng paraan para maging maayos kami. Promise, magiging maayos ang lahat. Makakasama ko rin kayo."



Agad kong pinahid ang luha ko at iniayos ang cap na suot ko. Dumating kasi si Oshin. Siguro para tingnan din ang aming anghel ni Bianca. Pero nang mapansin ko na pasimple itong sumusulyap sa akin ay napagpasiyahan ko nang umalis.






"Miss, magkano ang bills ni Miss Bianca Marquez?"sa counter. Iniabot sa akin ng nurse ang bills ni Bianca sa ospital. Agad kong binayaran ito saka nagpasiyang umalis ng ospital.





———————

Bianca's POV

Tinulugan ako kagabi ni Beshy. Kapag nga naman usapang lovelife, talaga naman, oo. Bakit nga ba ang hirap sa lahat ng paghahanap ng sulusyon kapag lovelife na ang pinoproblema mo?



"Beshy, good morning."bati ko sa kanya nang mapansin kong gisising na siya.


"Morning. Pasensya ka na kagabi ha."

"Ano ka ba Beshy? Naiintindihan naman kita."nakangiti kong sabi dito

"Salamat ha."

"Bumangon ka na dyan para makakain na tayo."yaya ko dito. Natigilan ako nang maramdaman ko ang paninigas ng tiyan ko. "Ipaghahain na kita."

"Tulungan na kita dyan."sabi nito. Hindi na ako makatanggi dahil nakakaramdam na ako ng masakit sa bawat paglikot ni Baby sa loob ng tiyan ko.

"Sige. Kukuha lang ako ng tubig."paalam ko. Doon pa lang ay dahan-dahan na akong naglakad patungo sa kusina. Hindi ko na yata kakayanin. "Ahhhh! Aaarrrayyy!!"sigaw ko. Kasabay nito ang tubig na lumabas mula sa akin. Para akong umihi ng isang balde. Ang sakit! Sobrang sakit! Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Sapo ko din ang tiyan ko.



"Naku! Yung water bag!"pag-aalalang sigaw ni Oshin at inalalayan ako."Huminga ka lang. Inhale... Exhale...."





"Lakasan mo ang loob mo, Beshy. Isipin mo si baby."narinig kong sabi ni Oshin sa akin.

"Ahhhh! "









———————



Pagdating sa ospital ay ipinasok na agad ako sa delivery room. Naiwan si Beshy sa labas. Binihisan ako ng isa sa nurse ng hospital gown. Pinahiga ako sa isang higaan doon at pinaghiwalay ang aking mga hita. Hudyat na na ready na ako sa paglabas ni Baby. Nagsimula na ring mangatog ang mga tuhod ko.




Nilagyan ako ng swero at oxygen. Wala na akong pakialam sa mga ginagawa nila sa akin. Ang tanging nasa isip ko na lang ng mga oras na ito ay ang mailabas na si Baby para mawala na ang sakit na nararamdaman ko. Ito na nga yata ang sinasabi nila na kapag nanganganak ay nasa hukay ang kalahati ng iyong katawan. Yung sobrang sakit na akala mo ay wala nang katapusan, na akala mo ay ikamamatay mo.



"Misis, kapag sinabi kong push umiri ka."narinig kong sabi ng Doctor.


"Push!"




"Ummmmppp...." nakailang iri na ako pero parang hindi ko na yata kaya.



"Kailangan mo nang mag-undergo ng Cesarian section. Kawawa si baby mo. Ayan na ang ulo oh." Kinuha niya ang kanang kamay ko at pinahipo ang gitna ko. Nakapa ko na doon ang ulo nga ng baby ko na palabas na. "Hindi! Kaya ko."



"Sige." Nakita kong kumuha ng gunting ang midwife at saka ko narinig ang paglagitik nito. Hindi ko na naramdaman ang pagupit nito sa sipit-sipitan ng pagkababae ko. Marahil ay manhid na sa sobrang sakit. "Ready? Push!"



"Ummmppp!"


"Sige pa. Isa pa. Push!"




Huminga ako ng malalim saka ibinuhos ang lakas na mayroon ako para sa pag-iri. Maya-maya pa ay narinig ko na ang tila ba nakakatuwang iyak ni Baby. Kitang-kita ko ring kung ano ang nagdudugtong sa aming dalawa habang dala siya ng Midwife.




"Baby."tangi kong nasabi. Nakaramdam ako ng matinding pagod para lamang mailabas ng normal si Baby. Unti-unti na akong nakaramdam ng antok hanggang sa pumikit na ang mga mata ko.





———————




Guys, hindi talaga ganoon kadali ang manganak. Matinding hirap at sakit ang mararanasan. Pasensya na sa update. Anh ikli talaga niya. Hehehe.. masyadong busy si Author kaya ngayon lang nagkaoras mag-update.




Unedited.


Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon