A/N:
Bago ang pagbabasa nyo sa update ko na to, uunahan ko na kayo. Wala talaga akong maisip na sagutan ni Adrian at Gabby kaya feeling ko parang ang labo. If maguluhan kayo, please mag-iwan kayo ng comment para mabago ko T-T Huhuhu Minamadali ko na kasi talaga, sobra. Maski ako nalalabuan na sa takbo ng story ko. Hirap kasi pag sa mobile lang nagaupdate :((( Aayusin ko na lang pag nagkatime. Ayun lang.
------
<Gabrielle's POV>
Pinagsisisihan ko na ang naging desisyon ko na magpunta pa dito. Parang pinahirapan ko lang talaga ang sarili ko sa ginawa kong pagpunta. Talaga bang nakasaad sa kapalaranan ko na masaktan ako ng ganito dahil lang sa lalaking yun?
Naglalakad ako papalapit kay Selenara nang pinapahid ko ang luha sa mata. Di nya dapat mahalata na gumawa na naman ako ng katangahan para masaktan ng ganto. Buti na lang, naubos na ang pagkabasa ng mata bago pa sya lumingon sa akin.
"Gabby!" tawag nito sa akin.
Pilit akong ngumiti para ikubli ang sakit na naramdaman ko pero nagkamali ako. Medyo namumula pa pala ang mga mata ko ng makalapit ako sa kanya.
"Umiyak ka? Namumula yung mata mo."-siya
Nag maang maangan ako dahil alam kong sesermunan nya lang ako pag nagkataong malaman nya ang kagagahang nagawa. "Hah? Hindi! Napuwing lang." palusot ko.
Di na lang nya pinansin. Mukhang naniwala naman sa akin ang kaibigan.
"Okay na lahat ng sections ko. Yung sayo nagawa ko na yung sa section F. Ano tara na? Samahan na kita magpunta sa natitirang sections."
"Sige tara na."
Madali naming nilibot ang building ng buong fourt year para mapuntahan ang mga klase ko. Mabuti hindi ko na ulit natagpuan si Adrian ng mga oras na yun. Pero hanggang sa matapos kami ni Selenara sa pagpapaevaluate, naging tahimik ako na nagpabahala sa kanya.
"May mali talaga sayo, Gabrielle eh. Kanina ka pa walang imik sa akin."
Maige nya akong tinitigan na para bang inaalam ang laman ng isip ko. Sa mga sandaling yun, di ko na napigilan ang sarili sa pag amin sa kanya.
"Nakita ko kasi sya eh." yun lang ang sinabi ko pero talagang nabago nun ang reaksyon ni Len.
"Ano? Pinuntahan mo sya? Hinanap? Gabby naman, akala ko ba ayaw mo ng nalilito---"
"Mali ka. Di ko sinasadya na makita si Tamara tapos nakita ko din sya." pagpapaliwanag ko
Napahilamos na lang sya sa mukha nang kinwento ko ang nangyari. "Ang labo pa rin talaga Gabby. Di na talaga kita maunawaan. Ano ba talaga ang gusto mo? Sino!?" napalakas na ang pagbanggit nya sa huling salita.
Hindi ko na rin alam. Gulong gulo na ko. Gusto ko na rin naman itigil to eh pero parang nagkakaroon talaga ng dahilan para malito at makita ko sya.
Magsasalita na sana ako pero muli na namang nag iba ang mukha ni Selenara. Nakatingin sya sa bandang likuran ko na parang may natatanaw. "Gabrielle, parang may gusto talagang kumausap sayo." hayag nya
Kinabahan ako sa sinabi nya. Nang mapalingon ako sa likod, nakita ko ang babaeng titig na titig sa akin. "Ate gabrielle, gusto sana kita makausap...yung tayong dalawa lang." pakiusap ni Tamara.
"Palagay ko dapat mauna na kong umuwi, gabby. Sige, maiwan ko na kayo." paalam ni Selenara sabay alis sa harap ko.
-------
BINABASA MO ANG
Please Don't Say You Love Me [FIN]
RomanceEverything is perfect between Gabrielle and Ralph. Not until dumating yung araw na kailangan nilang malayo sa isa't isa para sa mga pangarap nila. A long distance relationship happened but when Gabby needs Ralph, palagi itong wala. Naging invisible...