"Sena, don't tell me wala ka nanamang balak galawin yang pagkain mo?"
Tinitigan ko lang yung pagkain ko habang ginagalaw galaw ko ito ng tinidor ko, "Ang sakit, Kate. Sobrang sakit."
"Ng alin?" tanong nya habang nginunguya nya yung pagkain nya, "Ng tyan mo? Baka natatae ka? Ibanyo mo lang yan tapos balik ka ulit dito pag tapos ka na."
"Gaga. Hindi ako natatae, hindi tyan ko ang masakit."
"Eh alin? Puson mo? Baka meron ka?"
Naipahid ko na lang sa mukha ko ang dalwang kamay ko, "Eeee. Hindi yun! Yung puso ko! Ang sakit ng puso ko!"
"Aaah." walang gana nyang sabi, "Gusto mo tanggalin ko na yang puso mo ng wala ng masakit? Wait ah, kunin ko lang dito sa bagpack ko yung gunting ko..."
Yumuko sya at umaktong may kukunin sa backpack nya, pinigilan ko ito, "Wag! Ayoko! Ayoko pa mamatay!"
"Eh ang arte arte mo eh, sabi mo masakit puso mo. Para walang masakit, tatanggalin ko na lang yan!"
"Napakasadista mo talaga!"
"Atleast hindi ako katulad mong tanga, ang tagal tagal nyo ng break ng boyfriend nyo! magfa-five months na hindi ka pa rin makaget over!"
"Hindi naman ganun kadali yun eh."
"E sus, ako pa sinabihan mo? Eh naka-apat na major break up na ako at alam ko kung gaano kasakit nuh pero hindi ako katulad mo na nagmumukmok ng ganyang katagal. Naiintindihan ko kung hindi ganun kabilis maka-move on pero yung magmukmok ng ganyan katagal ang hindi ko maintindihan sayo. Hindi na yan normal eh, OA na yan bestfriend. OA!"
"Eh anong magagawa ko?" naiiyak na ako, "Mahal ko pa eh! Ramdam ko pa rin yung sakit!"
"Oi, wag kang magsimulang umiyak," tinuro nya ang tinidor nya sakin, "Ayokong makita kang umiiyak ulit. Wag mo ngang iiyakan yang ex mong walang kwenta, mga katulad ni Allen hindi dapat iniiyakan!"
"Sssh!" lumapit agad ako sa kanya at tinakpan ang bibig nya at bumulong, "Hinaan mo boses mo, nasa hindi kalayuang table lang sina Allen. Wag mo banggitin ang pangalan nya."
Sinubukang hanapin ng mga mata ni Kate ang table nina Allen at ng makita nya, tinanggal nya ang kamay ko at nagsalita sa malakas na boses, "Eh ano? Sya lang ba Allen sa mundo? Ang dami daming Allen sa mundo, katunayan nga ang pangalan ng aso ng kapitbahay namin ay Allen eh. Allen daw kasi anlakas ng rabies nung aso tapos parang ulol pa daw at mukhang unggoy yung aso!"
"Uy Kate, ano ba ang lakas ng boses mo, pinagtitinginan na nila tayo." tinakpan ko na lang ang mukha ko ng mga kamay ko, sigurado ako sa pagkakataong ito nakatingin na sa direksyon namin si Allen. Feeling ko nagmemelt ako sa hiya.
"Eh ano naman? Buti ngayon ng marinig ng mga tao dito sa canteen na walang kwenta ang pangalang Allen!"
BINABASA MO ANG
11 Ways To Forget your Ex-Boyfriend
Ficção AdolescenteCan't move on? This is now your chance to forget your ex boyfriend. If you read this, it is a step by step process.