That Man in my Dreams [Oneshot]

32 1 1
                                    

Hindi ka pa naipapanganak, magkaibigan na ang magulang nyo ni Han at dahil na rin magbestfriend ang mama mo at si Mrs Lu. Kaya naman nung naipanganak ka ay laking tuwa nila dahil babae ka. Lumaki ka kasabay ni Han. Palagi kayong magkasama, minsan kahit sa pagtulog kayo ang magkatabi lalo na kapag namamasyal ang mga pamilya nyo - nagpipicnic.

 

"Zhi, sana ganyan lang palagi ang mga anak natin, palaging magkasama", sabi ng mama mo kay Mrs Lu

"Sana nga bhes, na sana sila rin ang magkatuluyan sa huli" pagsang-ayon niya.

"Naku bhes!! hindi ko mahintay kung ano magiging histsura ng magiging anak nila"

 

At nagsimula na naman mag-imagine ang mga mama ninyo..

 

"Mga bata pa lang sila, hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari habang lumalaki sila", putol ni Mr Lu sa 2 ina.

"Tama ka jan Yun, malay natin, iba magustuhan ni Han o ni Krizzia" dagdag ng papa mo.

"Pero sana maging close sila, isa pa wala naman silang kapatid, kaya sana palagi silang magkasama" singit ni Mrs Lu.

 

At dahil palagi kayong magkasama, naging close nga kayo, Isang araw, sa playground..

"Tahan na Krizzia, sorry hindi ko nakita kung sino nang-away sayo. Di bale ako bahala sayo kapag may nang-away ulit sayo, tandaan mo yan", sabi ni Han.

"ta-talaga Han ge-ge?" sagot mo habang nahikbi ka

"Ou! lagot sila sakin!" sabay ngiti sayo.

"Salamat Han gege"

"Sorry kasi iniwan kita kanina at nakipaglaro sa ibang bata"

"okay lang gege, basta sa susunod wag mo na akong iiwan ha!"

"ou, hindi na kita iiwan"

 

(a/n: ang cheesy much ng 2 batang to?? XD)

 

Pero may nangyaring di inaasahan... (7 yrs old si Luhan at ikaw ay 5 yrs old)

"ou bhes, kailangan talaga namin lumipat ngayon ng bahay", sabi ng mama mo kay MRs Lu

"naiintindihan ko naman bhes, ang iniisip ko lang ay yung 2 bata. Wala silang alam" pag-aalala niya

 

sa kwarto ni Han..

"Sabi mo walang iwanan? bakit ikaw naman ang aalis ngayon?" paiyak na sabi ni Han.

"wag kang mag-aalala, sabi naman ni Papa sglit lang daw kami, uuwi pa ako no? kaya wag kang umiyak" sabi mo

"uuwi ka ha! hihintayin kita" sagot ni Han sabay yakap sayo

"Ou naman uuwi pa kami"

 

LU HAN!!! AALIS NA SILA!!

 

"Bye Han gege, wag kang mag-aalala, dadalhan kita ng pasalubong! Bye"

 

"Zhi alis na kami ha, ingat kayong 2 at si Han", naiiyak na sabi ng mama mo.

"Ou naman bhes, kayo rin ha!, bye baby girl, ingat ka palagi ha" sabay yakap sayo ni Mrs Lu.

"opo, bye po tita" sabay kiss mo sa pisngi niya

 

Umalis na kayo at nung lumingon ka, nakita mong nakadungaw sa bintana si Lu Han at nagbabye ka..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Man in my Dreams [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon