Chapter Twenty-two
Isang linggo na ang nakakalipas mula noong makita ko si Jepaii sa palengke.
Pagkatapos nun di na din muna ako nag-pakwento kay Maria tungkol sa nakaraan ko. Gusto ko munang ipahinga ang utak ko sa sakit. Parang hindi ko na kasi kinakaya minsan at bigla nalang akong mawawalan nang malay.
"Oo nga pala Alessana ipinasok kita sa munisipyo, diba naiinip ka na dito? Magiging sikretarya ka nung anak ni Governor Franiego, limang libo ang sahod mo sa isang buwan, makakaipon ka na doon Alessana."
"Talaga? Nako salamat Maria."
Maaga kaming kumain at naghanda, sabi kasi ni Maria maaari na daw akong magsimula sa araw din na ito kaya heto todo gayak na kami. Sa Center kasi nagtatrabaho si Maria bilang sikretarya at ako naman daw ay sa munisipyo, magkalapit lang kasi iyon kaya maaari parin din kaming mag-sabay pag-pasok at pag-uwi ni Maria.
"Ano Alessana handa kana ba? Tara na."
agad akong napatingin kay Maria na ngayon ay gayak na gayak na. naka-simpleng black dress lamang ito na abot hanggang sa tuhod, kitang kita din ang hubog nang katawan niya dahil fit na fit ang dress pero hindi naman ito malaswang tignan, ang totoo napakaganda nga ni Maria kahit na ang simple lamang nang ayos niya.
"you look gorgeous on your dress, Alessana." puri sakin ni Maria.napangiti tuloy ako sa kaniya.
inihatid muna ako ni Maria sa munisipyo.bago siya pumunta sa Clinic na pinagtatrabahuhan niya. medyo naiilang pa nga ako dahil pinagtitinginan kami nang mga tao dito, karamihan kasi dito sa Munisipyo ay mga may edad na ang impleyado kaya naman sa edad ko nakakailang talaga.
"wag mo nalang pansinin ang mga tingin nila Alessana, nagagandahan lang sila sayo. mababait naman ang mga yan."
bulong naman ni Maria sakin habang naglalakad kami, nakapulupot pa ang braso niya sa braso ko. ngumiti nalang ako kay Maria, pero deep inside kinakabahan talaga ako nang sobra.
nakarating kami ni Maria sa isang malaking pintuan na nandito sa munisipyo at nakalagay sa labas nito ang Mayor's office di ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam nang kaba kasi ito ang unang beses na magkakaharap kami nang Mayor nang lugar na ito. ni hindi ko nga alam ang pangalan niya eh. siguro may edad na din siya.
"Handa ka na ba?" tanong sakin ni Maria. agad naman akong tumango sa kanya bilang sagot sa tanong niya,napangiti naman nang ubod ng laki si Maria bago niya muling hinarap ang pintuan at kinatok ito.
"Come in." rinig kong sagot nang lalaki mula sa loob nang silid. nagdulot naman iyon nang kilabot sa aking buong katawan. ang lalim kasi at ang lamig ng boses niya.
Agad namang binuksan ni Maria ang pintuan at pumasok na kami ng sabay sa loob. Agad na napansin ko ang dalawang lalaking nasa loob, ang isa ay naka-upo sa swivel chair at ang isa naman ay nakatayo. Pareho silang nakatalikod sa pwesto namin kaya naman di ko makita angmukha nila pero sa tindig at pangangatawan palang nila sigurado akong perpekto ang hubog nang mga ito.
"You're just on time." Pagkasabi nang lalaking naka-upo ay dahan dahan silang umikot paharap sa pwesto namin ni Maria.
Sa lalaking naka-upo ako mas tumingin kaya naman siya lang ang una kong nakita.
"Lumapit kayo dito." Utos ng lalaki kaya naman agad kaming lumakad. Para akong nahihipnotismo ng lalaking nasa swivel chair, ang mga mata niyang kulay abo na para kang dinadala sa kung saan. Malamig pero malalim at talagang mapapasunod ka.
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
Tiểu Thuyết ChungNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...