HSLT 1

264 6 0
                                    

•Narrative•

Unang araw ng pasukan noong Grade 7 , nagtagpo ang aming mga mata. Pero hindi man lang ito umabot ng kahit limang segundo. Paano ba naman kasi, wala akong naramdamang spark.

I therefore conclude na hindi uso sa akin ang love at first sight.

Lumipas ang limang buwan. Parehas kaming nakahanap na ng mga kaklaseng babarkadahin. Yung sa amin pa nga, pamilya ang turingan namin. May nanay, may tatay,  at syempre may mga anak.

Uso pa dati ang pambuburaot, lalo ang mga lalaki,  ang hilig nila mangharang para manghingi ng limang piso.

Yung isa kong kaklase, si Jeron, inaaraw-araw ako noon sa panghihingi. Bullying na nga 'yon para sa'kin, e. Kaso hindi talaga ako makapalag, takot ako.

Pero si Tenecius, kakaiba talaga.

Hindi ko alam kung sadyang mayaman lang talaga sila,  pero siya kasi , hindi naman talaga nambuburaot sa akin.

Until one day...

Hinarang niya ako at nanghingi rin ng limang piso.

Hindi niya sinabi sa'kin kung para saan 'yong hinihingi niya, pero feeling ko pang-Dota niya lang 'yon.

"Ano ba ako, nanay mo? " tanda kong tanong ko kay Tenecius,  habang siya, nakalahad pa rin ang mga kamay.

Pabiro naman siyang tumango—abnormal talaga. Pero sabi ko, pwede namang kapatid ko na lang siya. Kuya ko na siya— kasama na sa pamilya-pamilyahan namin ng mga kaibigan ko.

Dahil sa pambuburaot, naging kaibigan ko siya.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon