•Narrative•
"Ano ba 'yan, Kuya Ten! Tatlong beses ka nang nakapunta ng bahay namin, hindi mo pa rin tanda ang daan? " sabi ko sa aking kasama at saka napakamot sa batok.
"Pasensya na. Hindi kasi ako matandain sa daan, e. Noong mga nakaraan namang pagpunta ko sa inyo kasama ko naman ang mga kagrupo natin kaya hindi ako naligaw." sagot ni Tenecius. "Ito na nga pala yung glue gun, tapos ito pa dalawang glue stick. "
Kinuha ko ito. "Ayon, ayos. Salamat! "
Tumango lamang siya bilang sagot. "Nauuhaw ako. May bilihan ba dito ng samalamig? "
"Oo, mayroon sa kabilang street. Punta tayo? "
"Sige, tara. "
"Libre mo ko? " tanong ko. Nagbabakasakali lang naman ako. Hehe.
Nagkibit-balikat siya. "Ok. "
Nagulat ako sa sinagot niya. "Uy, nagjo-joke lang ako! "
Tiningnan niya ako. "Gusto mo ba o ayaw mo? "
Napangiti ako ng malapad. "Syempre gusto! Masamang tumatanggi sa grasya. "
Sumama ako kay Tenecius. At hindi lang pala samalamig ang ililibre niya sa'kin, sinamahan niya pa ito ng fishball, kwek kwek at cheese sticks.
Ganoon naman talaga lagi si Tenecius, kaunti lang ang hinihingi ko, pero ang ibinibigay lagi sa akin ay sobra-sobra.

BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...