Entry #5

0 0 0
                                    

I've met this guy in school. Parehas kaming nagaasikaso nang school papers. Hindi ko siya kilala pero parehas kaming naghahanap ng photocopy machine. So ito na nga, dahil walang pasok nung araw na yun sarado mga stores, nagtanong pa ko dun sa isang babae na kalalabas lang sa computer shop kung mah pa photocopy dun, sabi wala daw. Kaya naisipan kong pumunta dun sa isa pang store at napansin ko yung lalake nasunod na sakin. Naalala ko nakita ko siya papunta dun sa pinagtanungan kong computer shop. Siguro narinig niya na naghahanap ako pa photocopy kaya sinundan ako.

Nung nasa store na ko sabi ko pa photocopy po dun sa tindera edi tinanggal ko na yung staple dun sa papel. Pagkatanggal ko biglang dumating yung lalake, nagsabi din siya na pa photocopy daw. Tapos bigla ako kinausap sabi "Ate, yung resibo lang diba? " syempre nagtaka ako bakit ako kinakausap nito? Pero sumagot na lang ako sabi ko "Oo yung dalawa". Tapos pinagtatanggal niya na din yung mga staple at binigay na kay ateng tindera.

Matapos ni ate iphotocopy yung akin tinanong ko kung magkano pero hindi siya sumagot agad kaya naghintay pa ako ng unti hanggang matapos si ateng tindera sa ginagawa niya. At nung matapos na siya tinanong ko uli kung magkano at nagtanong na din yung lalake kaya nagkasabay pa kami magbayad. Pero pagkabayad ko nauna na agad ako umalis at iniwan yung lalake dun kahit mah feeling ako na gusto ko siya hintayin paea sabay kami dahil parehas lang naman kami ng inaasikaso pero nauna parin ako, baka pag hinintay ko siya sabihin feeling close ako diba.

So yun na nga, bumalik na ako sa school at pumila uli. Habang nakapila ako pamasid masid ako ng unti sa entrance dahil baka makita ko uli siya pero hindi. Hanggang sa 3 tao na lang bago mag ako sa counter may nahulog na papel sa gilid ko kaya agad kong kinuha at pagkakuha ko narinig kong muli ang boses niya at sinabing "Salamat"

Dalawang tao ang pagitan ko mula sa kanya pero pakiramdam ko ang lapit ko sa kanya. Hindi ko nakita ang muka niya sa pag abot ko nang papel pero mas ayaw kong makita niya ang muka ko dahil ang pakiramdam ko nang mga panahon na yun ay namumula ako at pinipigilang ngumiti.

Hanggang sa maging ako na ang nasa harapan ng counter at kinakausap ang officer sa loob. Sabi sakin maghintay muna ako sa tabi kaya umupo ako sa bench. Sa gilid ng mata ko pinagmamasdan at may paunti unting sulyap sa kanya habang nakatayo siya sa counter at kung mamalasin nga naman nahuki niya akong nakatingin pero syempre pokerface lang ako haha.
Nang makita na nga niya ako hindi ko akalaing tatabi siya ng upo saakin dahil maluwag naman yung bench kaya medyo kinilig ako nang kaunti inside pero pokerface lang kunwari.

Hanggang magsalita siya bigla, andun na naman yung pakiramdam na parang anlapit lapit ko sa kanya, parang matagal na kaming magkakilala, parang super close na kami. Pero syempre hindi ako nagpadala sa ganung pakiramdam dahil sa totoo lang naman ay hindi ko siya kilala.

Nagkakausap lang kami tungkol sa inaasikaso namin hanggang sa napunta sa ibang usapan kaya may mga nalaman akong kaunti sa kanya. Napakagaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya at feeling ko ganun din siguro siya dahil sa paraan ng pakikipagusap niya sa akin.

Hanggang sa tinawag na ang pangalan namin. Kinausap kami ng sabay sa counter matapos kami kausapin kinuha na namin yung papel. Napansin ko iba yung pangalan kaya nasabi ko "Sayo ata to. Nagkapalit tayo" sagot naman ay "Oo nga" sabay tawa naming dalawa.

Nagtanong muli siya sakin tungkol sa inaasikaso namin kung kelan makukuha, sinabi ko sa kanya na magtanong nalang dun sa isa lang counter. Pero nahihiya siya kaya ang ginawa ako nilakasan ko na lang ang loob ko kahit hindi ko naman gawain ang magtanong sa mga counter ginawa ko parin, hindi ko alam kung anong tumulak o nagudyok sa akin kaya ko naisilang gawin yun. May kakaiba sa loob ko na nagtulak sakin gawin yun.

Nang makapagtanong na ako inexplain ko sa kanya ang sinabi sa counter. Napansin ko na sabay kami maglakad kaya naging aware ako bigla at naalala ko na hindi pa ako pwede umalis kaya tinanong ko siya "Uuwi ka na ba? May hinihintay pa kasi ako" sagot niya "Oh sige mauna na ako, bye" at nagpaalam na ako.

Nakaramdam ako nang panghihinayang nung mahiwalay ako sa kanya. Pakiramdam ko sayang, gusto ko pa siya makasama, kung hindi lang sana may hinihintay ako. Makakausap ko pa siya ng matagal, makakasama ko pa siya nang matagal at malalaman ko pa kung anong pangalan niya. Sayang talaga.

So in the end, nakakahinayang na hindi ko nalaman pangalan niya kahit nagkapalit pa kami nang papel di ko man lang naisipang tignan o itanong pangalan niya. Naiinis talaga ako sa sarili ko nun. Pagkakataon ko na yun, pinaglagpas ko pa. Wishing na lang ako na makita ko siya uli dahil parehas naman kami ng inaasikaso baka magkita pa kami sa school after 3 months.

My Thoughts and WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon