•Narrative•
Kinabukasan, nagulat ako sa pambungad na bati sa akin ng isa kong kaklase.
"Kiyarah ah! Nagdate kayo kahapon ni Tenecius! "
"Anong date? Hindi 'no! "
"E ano 'to? " aniya tapos pinakita sa akin ang picture namin ni Ten kahapon sa may tindahan ng Samalamig at tusok-tusok. "Galing 'to kay Jeron. "
Bwisit talaga ang Jeron na 'yan! Kalaro nga pala siya kahapon ni Ten ng Dota kaya nasa paligid-ligid lang siya noong mga panahon na 'yon!
"Ako na ang nagsasabi sa inyo, hindi date 'yan. Hindi ba pwedeng nagkaayaan lang magmeryenda? Lahat na lang nilalagyan niyo ng malisya. "
At dahil hindi ako komportable sa panunukso sa ating dalawa, iniwasan ko muna si Tenecius. Saka... naisip ko rin kasi na baka ayaw niya rin ng ganyan-ganyan... yung may pinang-aasar.
Mabuti na yung hindi kami masyadong nag-uusap at walang interaction sa isa't isa, at least wala silang dahilan para kiligin.
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...