HSLT 9

106 1 0
                                    

•Narrative•

Lumipas ang ilang buwan, at sumapit na ang pinakaunang Intramurals namin bilang High School.

Maraming nagkalat na estudyante, at marami ring nagkalat na... booths. Isa na diyan ang pinakamumuhian ko, ang Wedding Booth.

Kung pwede lang, kung pwede lang talaga sanang tanggalin na sa kwento  si Jeron, gagawin ko na. Masyado siyang maraming exposure.

Si bwisit kasi, nilista kaming dalawa ni Ten sa Wedding Booth. Kapag sa kalokohan, ang daming perang handang gastusin. Tapos kapag pampamasahe at pangkain niya, nambuburaot pa siya sa iba.

Hay naku.

Talagang noong parehas na kaming nahuli ni Tenecius ng mga estudyanteng humahawak sa Wedding Booth, tandang-tanda ko ang pagpupumiglas ko noon sa kanila. Pero naisip ko na... wala na talaga akong kawala. Kaya hinayaan ko na lang sila sa kalokohan nila.

Pinirmahan ko ng walang kabuhay-buhay iyong Marriage Contract at isinuot na lang ng basta-basta kay Ten ang laruang singsing. Lahat ng mga... sabi nga ni Ten, paksyet niyang mga kaibigan ay tuwang-tuwa at vinivideohan pa kami habang ako, inis na inis at mangiyak-iyak na sa kinap-pwesto-han ko.

Yung naging reaksyon ni Tenecius—hindi ko alam. Hindi ko nagawang tingnan siya noon ng mata sa mata at harapan. Sa totoo lang, nahihiya kasi ako sa kanya ng mga panahon na 'yon.

Nang matapos ang seremonyas nila, agad akong lumabas at pinunit ang pekeng Marriage Contract at tinapon sa basurahan.

"Sayang sa papel. " ani ko at saka patakbong lumayo sa lugar na iyon, pinuntahan ko ang mga kaibigan ko... at sa kanila ako umiyak.

Asar na asar talaga ako noong araw na 'yon.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon