Chapter 39

4.9K 128 3
                                    

ANGELA'S POV

After nang ilang oras andito na kami sa Hebar Sports Training Field, at ang masasabi ko, beautiful, malapad na field at may mga building sa paligid nito, may swimming pool din kita mo agad dito sa parking area, may mga trainig area like training nang mga army or police, I've saw this on police academy 'yong may mga gulong, then 'yong inaakyat na lubid, 'yong puro putik na pond, etc.

Napadako naman tingin ko sa left side at napangisi ako nang makita ang pangalan nitong building, "Night Life Bar".

" Seriously? Iyon talaga ang pinangalan? Grabe." Bulong ko.

At talaga sa loob pa nang training field, so hindi na pala kailangang lumabas nang mag-iinuman dahil meron na dito, not bad.

May malawak ding gubat, tanaw iyon mula dito sa kinatatayuan ko. Tsk. Kanina pa ako dito, iniikot nang paningin ko ang kabuuhan nang training field na 'to.

3 weeks. 3 weeks kaming magstestay dito to be more strong, more competitive, more wise, more healthy and more fit at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang mas maging magaling to face and fight until the end of the game. We need to be the champ, dahil kapag nangyari iyon I am able to play in International League.

Nilibot ko pa uli ang paningin ko, may ibang nagtetrain din na ibang sports medyo madami dami din, siguro this training field was really nice kaya daming nagtetrain dito at ang isa pang maganda ay ang sorrounding, masarap ang simoy nang hangin kaya naman napapikit ako at inamoy ang simoy nang hangin.

"Hey!" Napapitlag ako sa biglaang pagsiko sa akin. Damn it, papatayin ba ako nang walang hiyang Captain Jerk na 'to?

"Oh problema mo?" Bulyaw ko sabay lingon dito at sinamaan siya nang tingin. Tinaasan niya ako nang kilay.

"Tatayo ka lang ba diyan? Bakit hindi ka tumulong?" Ako naman ngayon ang napataas nang kilay.

"Seriously? Isang babae? Maghahakot nang gamit? Duhh. Miss.DASU pa inuutusan mo." Mariing sabi ko.

Tumawa siya na ikinakunot nang noo ko.

"Ms.DASU? Wala tayo sa school, nasa training tayo at isa ka lang mababang member this time." Mariing sabi niya tapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Ngumisi naman ako at nagcross arm, tiningnan ko din siya mula paa pataas sa ulo.

"Oo nga pala nakalimutan ko, mababang member na muntik nang palitan ka sa pagiging Captain dahil nag-inarte ka, nag-eemo dahil pinagtaksilan nang minamahal. Oh my gosh, sarey po Captain magbubuhat na po, nakakahiya naman sa'yo." Kumamot ulo pa ako tapos ngising iniwan siya na hindi maipinta ang pagmumukha.

Tsk. Akala niya hahayaan ko lang siyang iunder ako? Hindi pa ba siya sanay sa akin? Na hindi marunong umatras sa laban? Sa asaran? Kahit pa patayan?

Lumapit na ako sa bus at naghakut nang gamit, tsk, hindi ko naman mga gamit ito bakit magpapakahirap ako? At isa pa babae ako at Ms. DASU pa, at ang dami namang lalaki bakit kung makapag-utos ang Jerk na 'yon parang wala nang choice kundi sundin siya.

Sige lang Jerk sige lang, may utang ka pa, ni hindi ka nga nagpasalamat na ginising kita sa kahibangan mo tapos kung umasta parang wala lang nangyari tsss, next time sasabihin ko sa'yo na wala ka talagang kwentang boyfriend kaya ka pinagtaksilan, mayabang na nga, akala mo kung sino, at Jerk pa.

Grrr, nakakagigil talaga.

"Gel, anong ginagawa mo? Ibaba mo nga 'yan." Hinila ni Arvin pababa ang bitbit kong dalawang sports bag. Sumimangot ako at nagcross arm.

"Bakit? Inuutasan kaya ako ni Captain." Aniko. Tsk. Siyempre kailangan ko nang kakampi, ahihi, ayoko naman talagang magbuhat ih gusto ko lang ipakita na magbubuhat ako and as I expected may lalaking sasaway sa akin.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon