Iyon ang huling iyak ko dahil sa pag-alis niya, nalulungkot ako kasi hindi kami magkasama pero naiisip ko na para rin naman sa career niya iyon. Dapat mas mapaghusay niya na ang pinili niyang kurso. At tsaka nandiyan naman sila mama at ang mga kapatid ko para pasayahin ako.
At tulad ng sinabi niya hindi naman kami nawalan ng communication, lagi siyang tumatawag at nagkakausap din naman kami sa fb. Pero hindi pala laging ganun ;(. Noong nagsimula na ang pagconstruct nila ng bahay nila doon sa Singapore three months ago ay dumalang ng dumalang ang pag-uusap namin. Noong isang araw ay may nakita akong bagong picture sa album niya sa fb at nakita kong babae pala ang isa sa mga engineer doon, hindi ko alam pero kinabahan ako. Sana ay hindi tama ang kutob ko, “magtitiwala ako sa kanya kasi mahal ko siya, at alam ko na hindi niya iyon magagawa sa akin.” Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Ayaw kong maghinala, kasi baka ako lang din ang gumagawa ng magpapasakit sa puso ko.
Ngayon ay nakaopen ang YM ko dahil may usapan kaming every Wednesday mag-uusap.
Oo, ang dating halos araw-araw naming pag-uusap ay naging once a week na lang.
@jenithS: BUZZ!
After 3minutes
@RalfKiro: I’m busy…I’m sorry I think I’m not capable of having conversation to you this time. Maybe I can talk to you at 8pm.
@jenithS: okay. But can you please give me a jiffy? I just want to ask you something. I hope you don’t mind..
@RalfKiro: what’s the question anyway?
@jenithS: do you still love me like before?
@RalfKiro: ………………
@jenithS: :(
@RalfKiro: I’m sorry, but I think we need space
@jenithS: bakit mo kailangan pa non? Magkalayo na nga tayo tapos sasabihin mo pa need mo ng space?
@RalfKiro: I think I’m not happy with our relationship..
Speechless siya. Parang ayaw niyang maniwala na totoo iyon.
@ralfKiro: lagi na lang ikaw yong napapasaya ko, ni minsan ba natanong mo ako kung masaya ba ako? Matanong lang kita, ni minsan ba NAPASAYA MO AKO?
Napakasakit. Sobrang sakit. Hindi niya kaya, tumutulo na naman ang luha sa kanyang mga mata. Para siyang paulit-ulit na pinapatay sa mga nabasa niya, totoo ba iyon? Nananaginip lang ba siya? Sinampal niya ang mukha niya, naramdaman niya totoo nga iyon. Hindi siya nananaginip lang, masakit ang sampal niya sa kanyang kaliwang pisngi pero mas masakit pa din ang nararamdaman ng puso niya. Tumagal siya ng tatlong oras na nakaharap lang doon habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat, ayaw nyang maniwalang nangyayari iyon. Nang mapagod na ang mga mata niya sa pag-iyak ay saka lang niya naisipang sumagot sa sinabi nito. Nakita niyang naka offline na ang lalaki.
@jenithS: kung gusto mo nang maging malaya, okay lang sa akin. Kung diyan ka magiging masaya eh, pipilitin kong maging masaya para sa’yo. Basta tandaan mo mahal na mahal kita at hihintayin ko na lang ang pagdating ng time na mawala ‘to, hindi ko alam na hindi ka pala naging masaya, dapat sinabi mo na agad para hindi tayo umabot ng ganito katagal huhuhu.
Naiinis siya sa kanyang sarili, ayaw niya man maging madrama pero iyon pa rin ang kinalabasan. Ini-out niya na ang YM niya at binuksan ang fb niya. Blinock niya si Kiro sa facebook niya, pero nagbago din ang isip niya at tinanggal ito sa block list. Nagsabi siya sa bestfriend niya na ipost sa wall nito na ide-activate niya ang account niya, iyon lang at ini-off na niya ang computer. Napagdiskitahan niya naman ang cellphone niya, dinurog niya ang simcard niya. Pinilit niyang matulog, pinikit niya ang mga mata at hiniling na sana ay hindi na siya magising pa.
----
i dedicate this sa MiLOH ko na kahit busy at kahit LALAKI ay nagbasa dito sa wattpad para sa akin :)) thank yow
BINABASA MO ANG
I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*
Teen Fictionayoko na sayo .. hindi na kita mahal .. ay hindi, mahal pa rin kita .. pero ayaw na kitang mahalin!