"Wag ka mag-alala babe hindi ko sya mahal kaya ko lang yun niligawan dahil may kailangan ako sakanya ikaw talaga ang mahal ko pati mas maganda ka kaysa dun mas sexy pa ang taba-taba nun eh hahahahaha"sabi ni Drake.
" Talaga babe mas mahal mo ko ha pero kung sabagay sino nga bang magkakagusto dun ay ang taba-taba hahahaha"sabi ni Layla ang bestfriend ni Katelyn.
Nanghina naman si Katelyn sa kanyang narinig dahil all along niloloko lang pala siya ng kanyang minamahal na sa buong taon na magkasama sila na kahit na siya na ang pinaka iniintindi nito at napapabayaan na ang kanyang pag-aaral ay yun pala ay niloloko lang pala siya.
Hinugot lahat ni Katelyn ang lakas na natitira sa kanyang katawan at buong lakas lumabas sa kanyang pinagtataguan at sinapal si Drake.
"Hayop ka sa lahat ng ginawa ko para sayo ginagago mo lang pala ako at ikaw Layla bestfriend pa naman kita tapos ikaw po ang gagawa nito sa akin" sabi ni Katelyn habang naiyak.
"Ano naman...duhh tunay naman ang sinabi ko ahh wala naman talagang magkakagusto sayo bukod sa pangit na ang taba-taba pa hahaha siguro kahit na magpapapayat ka ang pangit mo pa rin diba babe hahaha"sabi ni Layla.
Habang sinasabi yun ni Layla ay naestatwa si Drake at hindi mapakali dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil nagawa lang naman niya sabihin ang mga katagang binitawan niya para tantanan na ni Layla si Katelyn para umalis na ito dahil alam niyan isang itong gangster at sa oras na malaman niyang tunay akong may gusto kay Katelyn ay malalagay lamang sa kapahamakan ang buhay ng kanyang minamahal magawa man niya itong protektahan ay hindi pa rin sapat ngunit hindi niya akalain na mapaparinig lahat ito ni Katelyn.
"Babe...Babe....BABEEEE!!!!! " tawag ni Layla kay Drake dahil hindi siya sinuportahan nito.
Nagulat naman si Drake at umoo na lamang dahil hindi niya alam ang sinabi nito.
Nag-unahan naman ang luha ni Katelyn ng mapakinggan niya ito kaya nagulat si Drake sa sunod-sunod na pagpatak ng luha ni Katelyn habang si Layla naman ay napangiti sa ginawa ni Drake.
Tumakbo na si Katelyn palabas ng kwarto dahil hindi na nya kaya ang nangyayari.Tumayo naman si Drake at hahabulin sana si Katelyn para magpaliwanag pero pinigilan siya ni Layla at pinagbantaan na hindi matitiyak na kung anong mangyayari kay Katelyn sa oras na sundan niya ito.
Nang umalis si Katelyn sa kwarto ay nakasalubong niya ang bunsong kapatid ni Brake na si Ella na nasa grade 1 at nasa 5 taong gulang pa lamang.
" Ate bakit ka naiyak huhuhu naiiyak na din ako naiyak ka eh huhuhu "sabi ni Ella.
"Wala lang to baby Ella basta babantayan mo lagi ang kuya Brake mo ha wag mo syang pababayaan" sabi ni Katelyn.
"Paano ate pag hindi ko ginawa huhuhu" sabi ni Ella habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Edi hindi na ako iiyak kapag ginawa mo yun okay ba yun" sabi ni Katelyn habang pinipigilan niyang umiyak.
"Sige po ate wag kanang iiyak ha" sabi ni Ella.
"Bye baby Ella mag-ingat ka ha" sabi ni Katelyn at umalis na.
💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓
Hi mga bessywap nagustuhan nyo ba prologue ko sana nagkaroon kayo ng interes na basahain ang story ko....
Sana suportahan nyo ang story ko thankkksss ulet mga bessywap....
Vote & Comment kayo para malaman ko kung maganda ba ang ginawa kung story...😅😅
BINABASA MO ANG
Missing Piece
Teen FictionA girl that can be compare to a jigsaw puzzle but that puzzle broke and when they try to fix it unexpectedly there's a missing piece and that piece is the girl's heart they search everywhere but the missing piece is nowhere to be found. One day some...