Simula
Ang Life, Parang..
Parang Math. May mga problems na kailangan nating isolve para hindi tayo bumagsak.. Pinapaalala sa atin na sa lahat ng problemang dumadating sa buhay natin ay may solusyon. Nasa atin na lang yun kung pano hahanapin ang tamang formula at solution sa problema natin.
Parang Science, law of motion.. "For every action, there is an equal and opposite reaction." Lahat ng gagawin natin o sa bawat na desisyon na ating pipiliin ay may naghihintay na surpresa.. "Every object in a state of uniform motion tends to remain in that state of motion unless an external force is applied to it." Walang mangyayari sa buhay natin kung nakatunganga lang tayo at maghihintay ng grasya habang buhay.. Kailangang kumilos para makuha natin ang mga gusto natin. "Law of acceleration." Lahat ng mabibigat na bagay, kailangan ng mas madaming effort o lakas na ibigay..
Parang English. "Loved, love, will love." Past, present, and future. Lahat ng tao meron neto. Lahat ay may pinagdaanan, pinagdadaanan, at pagdadaanan sa buhay.
Parang History. May mga nakaraan na hindi malimutan at hindi pwedeng kalimutan dahil konektado ito sa buhay na mayroon sila ngayon. Mga ala-ala na na nagtulak kung nasaan sila ngayon.
Parang Music. May mga notang mababa, meron din namang mataas. Minsan natatamasa natin ang sarap ng buhay, minsan naman nandun tayo sa parte kung saan sinusubok ang ating kakayahan.
Parang Arts. Iba't ibang kulay ng buhay..
Higit sa lahat..
Ang buhay, parang life.
Ang life, parang buhay.
Simple pero complicated.
Complicated kung gagawin mong complicated.
Pero simple lang talaga siya na ginawa mong complicated.
Bago pa maging complicated ang pinag sasabi ko..
May isa muna akong tanong sa inyo..
Kung nakamamatay ang sobrang pag-iisip, bakit buhay pa ako?
Oi teka lang! Wag niyo ng pag isipan, joke lang yan. Wag niyong masyadong seryosohin..
Pero ito lang ang masasabi ko..
Mahalin muna natin ang ating sarili para handa tayong mahalin ang iba.
Life is nothing without love..
Gusto niyo pa ba akong makilala? ^_^