Chapter 5
Nagdadrive na ako papasok sa gate ng school. I'm still thinking about Ianne or Snow basta siya, the weird girl. Bakit napaka aloof niya sa mga tao at bakit napakasama ng pamilya niya? Everything about her screams weird.
Napukaw ang pagmumuni muni ko nang may makita akong pamilyar na babae na naglalakad papasokng school. Si Snow ba yun? Nagpatuloy nalang ako sa pagdadrive papunta sa parking lot dahil baka sitahin ako ng guard kapag tumigil ako. Tatanungin ko nalang siya siguro mamaya. Friends na kami diba?
Pagkapark ko bumaba na ako at dumeretso sa classroom. Mamaya pa naman ang simula ng klase maaga lang talaga ako pumapasok. Trip lang.
Habang naglalakad ako sa hallway ang dami paring sumusunod na tingin sa akin. Muka ba akong alien? Nakakairita. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom. Pag bukas ko ng pinto walang tao except kay Snow. Syempre ang mga kakalase ko kung hindi late pumasok yung iba nakatambay sa labas nagchichismisan.
Dahil wala namang arrangement sa upuan dumeretso ako sa katabing upuan ni Snow sa likod at doon umupo. Muka na namang wala siyang pakialam dahil nakatingin lang siya sa bintana at may nakalagay na earphone sa tenga niya. Nakikinig na naman kaya siya sa kpop?
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya..pero di ko maiwasan na ibalik ulit. Gusto kong itanong kung anong nangyari kagabi at kung siya nga yung naglalakad papasok kanina.
Hindi na ako nakatiis kaya tinanggal ko yung earphone niya sa kanang tenga. Mukang nagulat siya kaya napatingin siya sa akin. Muka namang mas lalo siya nagulat nang makita niya ako. Okay. Hindi siya magugulatin.
"Ba..bakit?" Nauutal niyang tanong na halos di mo na maririnig sa sobrang hina. Nagtataka din yung muka niya. Napatingin ako sa kaliwang pisngi niya... Namamaga? Hinawakan ko yung pisngi pero mukang nasaktan siya kaya napalayo siya. "Anong nangyari diyan?" Tanong ko na may halong pag aalala. Ang ewan, nag aalala ako para sa kanya?
"Ahh.. Uhm.. Nabangga lang." Nagiwas siya ng tingin. Halatang nagsisinungaling siya. "Step mother mo ba ang may gawa niyan?" Nanlaki yung mata niya sa tanong ko. At nagiwas ng tingin. Siya nga. "Hi..hindi. Nabangga nga lang." Bakit ba ayaw niyang sabihin.
"Umamin ka na. Siya nga ano?" Naiirita kong tanong. Bakit kasi kailangan niyang saktan si Snow na halata namang walang kalaban laban at sunod lang ng sunod. Nahalata naman ata niyang naiirita ako kaya yumuko na lang siya at di na nagsalita.
"Sinampal ka ba niya? Bakit?" Umiiling lang siya. "Dahil ba sa ginawa ko kagabi?" Napaangat naman yung ulo niya tsaka umiling iling. Dahil nga doon. "Sorry. Di ko akalain na mangyayari yan sayo." Kasalanan ko nga. Nakakainis lang kasi na hindi niya kayang ipagtanggol sarili niya kaya ako na ang gumawa.
"Hindi mo naman kasalanan. Dapat kasi sinunod ko nalang siya at di na sumama sayo." Nalulungkot niyang sabi. What? "Mas gusto mo pang mapahamak kaysa sumama sa akin?! Paano kung hindi kita tinulungan kagabi?! Baka kung ano nang nagyari sayo? Mas susundin mo pa yung walang kwentang utos na yun kaysa isipin ang sarili mo?!!" Napasigaw na ako. Bakit ba sinusunod niya yung evil step mother niya? Naiinis ako. Naiinis ako nang hindi ko alam kung bakit.
Nagulat ata siya dahil sumigaw ako kaya napayuko ulit siya. Mukang natakot ko siya. "Sorry. Tara." Hinila ko siya patayo. Napahinto ako dahil huminto siya. "Saan tayo pupunta?" Hindi ko nalang siya sinagot at hinila ko na siya nang tuluyan.
BINABASA MO ANG
She's Weird
Teen FictionShe has her own world.She rarely speak.She doesn't tie her hair even if it covers her face.She has an angelic face.She always caught my attention.She's mysterious.She was always bullied by her classmates and yet she doesn't react.She make me crazy...