Jigger's POV
"AHM, dude— "
Hagis sa kanan.
"H-hey— "
Bato sa kaliwa.
"Jigz.. "
Hindi ko pinapakinggan ang pagtawag at pag-awat sa akin ni Levi, na sumunod pala sa akin sa pagpasok ko rito sa aking kwarto. Panay lang ang dampot ko ng kung ano-anong bagay na nahahagilap ng aking mga kamay. Mas'yado akong abala sa pagbubunton nang galit at hindi ko mapigilan ang aking sarili na magwala. Dahil kung hindi ko ito gagawin, pakiramdam ko ay tuluyan na akong masisiraan ng bait.
I don't know what's with this sudden guilt that I'm feeling right now, after I saw Cheska's reaction earlier.
Napasabunot ako sa aking buhok. C'mon, Jigz! What's happening to you?!
Dapat nga ay matuwa ako dahil iyon naman talaga ang palagi kong gusto, ang umiyak s'ya sa sama nang loob at kagalitan ako. Gustong-gusto ko kapag nakikita ko ang luha n'ya na dumadaloy sa kan'yang magkabilang pisngi.
I like it when she's angry, I want her to cursed me or to fear me as always.. I wanted her to hate me as much as I hated her.
But what the f*ck is this 'guilt feeling' doing inside my chest?!.. Bakit pakiramdam ko ay biglang may tumusok na patalim sa aking dibdib kanina, nang makita ko ang kakaibang takot sa kan'yang mukha, na para bang.. para bang nakaka-trauma yung ginawa ko. Bakit pati ako ay nakaramdam nang takot sa kan'yang inakto matapos nang ginawa ko.
Sh*t! Sh*t!.. F*cking sh*t!
"Jigz! "
"What! " pabigla kong bulyaw sa mukha ni Levi nang bigla ako nitong pigilan na ihagis ang hawak kong bag.
"Dude.. pustahan tayo, hindi mo gugustuhing ibato 'yang hawak mo.. c'mon! Sisirain mo ang loptop mo? " nakataas ang dalawang kilay nitong sabi, pigil-pigil ang magkabila kong braso na nakahawak sa bag na pinaglalagyan ng aking loptop.
Saglit akong natigilan. P*ta! Dapat ko yatang ipag-pasalamat na napigilan ako ng mokong na ito, ku'ndi ay wala sa sariling masisira ko talaga itong hawak ko.
Pero dahil galit ako, wala akong balak umamin sa aking katangahan.
"Of course not! " iritable kong sagot at padabog na ini-iwas sa kan'ya ang aking hawak. "Don't be so stupid! " Nakasimangot ko itong tinitigan nang ilang segundo, bago ko ibinalik ang aking loptop sa study table.
Nagkibit ito ng balikat. "Sabi ko nga.. Kasi mukhang nasa matino ka namang 'pag-iisip' kanina.. Huh! Bakit mo nga ba naman 'yan ibabalibag, eh galit na galit ka lang naman. " halata sa boses nito ang pamimilosopo at nginisian pa ako nang nakaka-asar.
"Umalis ka nga rito! " aniko at itinaboy-taboy ito gamit ang aking kamay.
Hindi naman ito natinag, pinag-krus lang nito ang mga braso at iiling-iling na pumalatak.
"What! " iritable ko paring sabi. Para kasing may gusto itong patunayan sa paraan nang pagtitig nito sa akin. Lalo lang akong naiirita sa mukha nito.
Pabagsak akong naupo sa aking kama at marahas na sinuklay ang aking buhok.. T*ngina! Tumitibok na naman ang aking ulo sa sakit. Pakiramdam ko ay nauga ang aking kinapu-pwestuhan.
Napahilot ako sa aking magkabilang sintido. Medyo nahihilo na talaga ako ngayon. Sa sobrang galit kanina ay hindi ko na naramdaman ang paglala, ngayon lang kung kelan medyo naiikalma ko na ang aking isipan.
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...