Special Chapter 2 (Mimi, the Bestfriend)

84 0 0
                                    

Napahiya ako (grabe!) pero tumakbo agad ako sa lugar ng mga classmate ko kahit iika ika eto pa rin (go! go! go!). Kagulat nga lang bigla siyang bumaba tas inalalayan ako buti yung ib nakafocus na sa MC.

After ng ilan pang performance tumuloy na ang lahat sa classroom para naman sa kaniya kaniyang mga christmas party. Pagkatapos ng party, gaya naman siguro ng ibang mga hayskul eto naglakawatsa lang kaya siguro nakakamiss yung high school no? Kasi sa high school mo mararanasan halos lahat ng FIRST at the BEST gaya ng pagkakaroon ng first crush, love, first nomo (kung bad ka), first sleep over, first hearbreak atbp.

Sayang nga lang at di ko na siya nakausap tas di ko pa alam pangalan niya, pag nalaman ko pangalan niya (yeah!) haha. 

 [January 2009]

Natapos yung bakasyon pero okay lang na di ko pa alam name niya, para di agad magkadevelopan. Kasi diba karamihan sa mga naiinlab sa isa't-isa eh nagkakasawaan agad. Aminin natin na halos lahat ng mga magsyota na naghihiwalay ay dahil sa nagkasawaan sila kaya payo ko lang sa inyo wag niyo agad ipapaalam lahat ng bagay tungkol sa inyo sa loved ones niyo para po may napapagusapan, may topic kayo lagi, para di boring, para may excitement or thrill. Pero nakakapagtaka po no? Kung sino yung mga single sila pa yung ang lakas ng loob mag bigay ng advice (gaya ko, sorry naman) pero pag sila na yung nasa sitwasyon (yan na!) aanga anga na.

[Valentine's Day]

Pagkatapos ng mga tests, quizzes, at homeworks/assignments na kadalasang boring na kapag nasa halos dulo na ng school year buti na lang at naging masaya ang aking first valentine's day sa high school life.

It was February 14, 2009 ng magkaroon ng program sa school pero patawa yung school namin eh, hindi tugkol sa valentines yung program kundi sa directress namin na matanda na kaya mag reretire na siya at maninirahan na abroad.

Siyempre since it was a day of love lahat halos ng mga boys may dalang flowers, letters, chocolates, bears or stuffed toys. Nakakainis nga eh, OP kaming mga magkakaklaseng babae walang lumalapit tas yung kabilang section pa nagpaparinig sa amin porket may mga nagbibigay sa kanila, (ang yabang men!) sinigawan ko tuloy  "Hoy! Binayaran niyo lang yan" sabi ko tas nagtawanan yung mga boys pero nakakahiya kasi si Erol na kararating lang ng gym biglang lumapit sa aming girls at ang nakakagulat kasama si pogi, pinakilala niya si pogi sa amin "Si Macky nga pala, varsity yan." sabi niya sabay abot sa akin ni pogi ng flowers "Ate, flowers po oh" sabi niya sabay ngiti (ano ba to?!) nahiya naman ako nagtawanan ulit yung boys, nag dalagang filipina style kasi ako yung tipong nakatakip yung pamaypay sa bibig hahaha. "Macky" bulong ko bago siya umalis tas tumingin siya bigla "Sige po.." sabi niya sabay kaway, punta na ata siya kung saan yung mga classmates niya. (kakilig lang)

Simula nung magkakilala kami ni Macky lagi na siyang bumibisita sa room, lalo na pag recess pag lunch kasi sa mga ka varsity niya siya kasama eh. Di pa naman siya nagsasabi na manliligaw siya pero sana nga, pero okay lang rin na hindi (joke lang!) 

Diba karamihan sa mga babae ang pinapahalagahan nila ang kanila sarili, reputasyon nila kaya naman di agad umo-oo sa mga manliligaw. Saka lang naman tumatagal ang relasyon kung ang manliligaw ay naghirap para maging sila, kasi mahirap pakawalan ang isang bagay na nilaanan mo ng oras at pagod. 

Kaya payo lang po, kung magmamahal kayo siguraduhin niyo na hindi kayo nagggf or bf para lang magkaroon ng boyfriend o girlfriend, mag gf o bf kayo di dahil kailangan o gusto kundi dahil naramdaman mo sa puso mo na ngayon ang oras mo para sa tinatawag na "love" :)

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon