TMG 29- MAX

1.7K 44 0
                                    

CHAPTER 29

Nakaramdam ako ng gutom kaya naman lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain. Binuksan ko yung ref at nag hanap ng makakain.

Nakakita naman ako ng Kimchi na nakalagay sa lalagyan kaya Kinuha ko Ito at inilagay ko sa table Saka ko ito binuksan pero nagulat na lang ako ng biglang may humila nito.

"It's mine" wika niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin.

"May pangalan kaba diyan? wala naman Diba.. kaya akin na Yan" wika ko sabay kukunin ko na sana kaso itinaas niya pa kaya naman tumatalon na ako para makuha Ito.

"Wala Karin namang pangalan dito" wika niya sa akin kaya naman mas lalong napakunot ang noo ko sa kanya.

"Zin!!" sigaw ko sa kanya pero nginisian niya lang ako. "Ano bang gusto mo ha?!" wika ko pa sa kanya kaya naman mas lalong napangisi siya.

"May laro ako" wika niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya at napa cross arm sa kanya.

"Oh! tapos? Pwede ba akin na Yan?" wika ko sabay hahablutin na yun kaso inilayo niya sa akin Yun. "Ano ba kasing gusto mo? ha!? nakakainis kana" wika ko sa kanya.

"Makipag laro ka sa akin" wika niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ok.. fine" wika ko sa kanya para matapos na to. Oo na payag na ako gutom na ako eh. Ibinigay niya sa akin yung kimchi kaya naman Kinuha ko Ito at kinain ko na.

"Be my girl for two months" wika niya sa akin kaya naman tinitigan ko lang siya habang kumakain.

"Ano n-namang kasing laro yun?" wika ko sa kanya habang may laman pa yung bibig ko.

"Simple lang magiging girlfriend kita ng dalawang buwan, at kapag nag dalawang buwan na saka lang tayo mag bi-break. Ano deal?" wika sa akin ni Zincho kaya naman napatigil ako sa pag kain at tumingin ako sa kanya.

"Ano namang price?" wika ko sa kanya kaya naman napangisi siya sa akin.

"Kapag Hindi ka nahulog sa akin ng dalawang buwan ay may price Kang Ferrari" Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo ba yung sinasabi niya? Omo!!

"Deal. kailan umpisa?" wika ko sa kanya habang Nakangiti.

"Bukas pag dating natin sa school" wika niya sa akin kaya naman tumango tango ako sa kanya. Bigla naman akong may naisip bigla.

"Paano Kung Isa sa atin yung nahulog. I mean paano Kung na in love ka? ganun." wika ko sa kanya ng seryuso. Ano kayang mangyayari?

"Edi talo ka. Wala Kang makukuha at titigil ang game natin pero Kung dalawa tayong mahuhulog maaaring mag karoon ng Alam mo na" wika niya sa akin kaya naman napangiti ako sa sinabi niya sa akin.

Pero Isa lang yung Sisiguraduhin ko. ako yung mananalo sa larong binigay niya sa akin. Kapag nahulog siya ay Sisiguraduhin Kung Hindi na siya nilingon makakatayo.

Napangiti na lang ako sa naisip ko. "Alam mo Kung saan magandang tumambay?" wika niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya sabay subo ng pag kain.

"Saan?" wika ko ng malunok ko na yung pag kaing nasa bibig ko.

"Sunod ka sa akin" wika niya sabay nag lakad na siya paalis kaya naman ako. Ito sumusunod sa kanya tsk.

Habang nag lalakad kami sa hallway ng mansion nila ay pumasok kami sa isang kuwarto at kapag pasok ko doon ay may hagdanan kaya naman nag lakad siya pataas at ako naman ay sumunod lang sa kanya.

THE MYSTERY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon