VOICE RECORDER

246 8 4
                                    

Click.

“Sehun-ah ! kailan mo ba ako mapapansin ha ?Palagi mo nalang ako binabalewala. Minsan naiisip ko ganun ka na ba talaga kamanhid.Lahat nang klaseng pagpapansin at pag aalaga ginagawa ko na para mapansin mo ako. Na mahalin mo ako gaya ng pagmamahal ko sayo.Pero bakit ganun? Ang turing mo sa akin bilang bestfriend pa rin.”

Click.

Inilapag ni luhan ang kanyang voice recorder sa kama para tignan ang kanyang cellphone nang tumunog iyon. Nakahiligan na ni Luhan na laging nagrerecord kaysa magsulat sa diary.Lahat ng nararamdaman nya na hindi nya masabi sa ibang tao, sa voice recorder nya sinasabi lahat.

Nang makita nya kung sino ang nagtext sa kanya napangiti sya.

Sehun : Luhan, pwede mo ba ako samahan maggrocery.

Luhan: Sure hun ! hintayin kita dito sa bahay ok!

Sehun: Ok

Gusto sana sabihin ni luhan ang katagang “I Love you” pero nag alinlangan sya. Best Friend lang ang turing sa kanya ni Sehun. Ang awkward naman kung sabihan mo ng ilove you ung kaibigan mo. Kaya isang malalim na bugtong hininga nalang pinakawalan ni Luhan.

___________________________________________________________________________________

 

“Hoy luhan ! Ano na naman ba yang iniisip mo? Nag de day dreaming ka nanaman ? Si Sehun na naman ba?” sabi ng kanyang kaklase na si Minseok ng tumabi ito sa kanya. Nasa canteen sila para sa lunch break pero halos hindi pa nagagalaw ni luhan ang kanyang kinakain.

“Meron pa bang iba? Paano ko ba sya mapapaibig ha? Pangit ba ako ha? Pang bestfriend slash older brother nalang ba ako sa kanya ?” sabi nya sa kaibigan

“Magtapat ka na kasi Luhan.Malay mo gusto ka din nya.”

“Malay ko? Paano kung hindi nya ako gusto?paano kung kapatid lang ang turing nya talaga sa akin?bestfriend lang? masisira lang pagkakaibigan namin.”

“ikaw na din sumagot sa tanong mo. “

“Naguguluhan na ako minseok. Alam mo ba yung feeling na nandyan na sya, gusto mo sya yakapin, halikan pero hindi mo magawa. Dahil kaibigan lang turing nya sayo.”

“Luhan, Naranasan ko na yang bagay na yan kay jongdae. kung hindi ko sya hinarang sa gitna ng pinto at sinabing gustong gusto ko sya at niyaya kong makipagdate sa akin, may mangyayari ba na ganito? I mean , magiging kami ba ?kung hindi ko ginawa yun siguro hanggang ngayon hanggang agaw tingin nalang ako san man sya magpunta.”

“OO minseok, natatandaan ko pa yun. At take note, sa gitna ng pinto ng CR mo sya hinarang habang sya nagmamadali nang pumunta ng cr para mag jingle .hindi ko parin alam kung saan mo nakuha ang lakas ng loob mo na mag confess sa kanya.”

“Kapag mahal mo ang isang tao, minsan makakalimutan mo na yung hiya. Yung iba nga nagpapakatanga pa nga diba. Ayos lang sa kanila na mag mukhang tanga maiparamdam lang sa taong yun kung gaano nila sila kamahal.”

“Sabihin mo sakin minseok, Napakatanga ko na ba para magmahal sa isang taong halos kapatid lang ang turing sa akin?”

“No, napakatanga mo na para hindi aminin sa taong mahal mo ang tunay na nararamdaman mo at hanggang ngayon takot ka parin harapin ang katotohanan.”

 

 

Nakaupo si Luhan sa bench malapit sa gate ng kanilang school at hinihintay ang paglabas ni Sehun. Palagi kasi silang sabay umuwi dahil malapit lang naman ang kanilang tinitirhan.Inilabas ni Luhan ang kaniyang voice recorder at sinimulang magrecord.

Voice of my Heart (Hunhan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon