"Di ka nagpaalam."
-"Aking pinaramdam."
"Ano bang nangyari?"
-"Wala ng silbi."
"Bakit di mo sinabi."
-"Bakit ako ang sinisisi?"
"Ikaw dapat."
-"Hindi ako ang nagdala ng lamat."
"Pero ginulo mo ang lahat."
-"Hindi ka kasi sapat."
"Hindi ka lang marunong makuntento."
-"Makuntento? Ako? Sayo?"
"Dito mo ako ginusto."
-"Ikaw ba'y sigurado?"
"Ano bang babaguhin ko?"
-"Buong pagkatao mo..."