•Narrative•
Kung may Presidente lang talaga ang Fans club ng KiTen, si Jeron na talaga 'yon. Siyang-siya na talaga.
Nakita niya ako isang araw habang naglalakad ako sa corridor. Talagang hinarang pa ako ng loko.
"Hala Kiyarah! Bakit may bago ka daw na ka-love team? Paano na si Tenecius bestfriend? Paano? Paano na ang KiTen? " aniya habang inaalog pa ako sa balikat.
"Walang bagong love team. Walang KiTen. Kuya-kuyahan ko lang si Tenecius. Tapos ang usapan. " sagot ko sa baliw at saka siya inirapan.
"Ouch. Kuya-zoned. "
Binalewala ko na lang ang sinabi ni Jeron. Loko-loko lang talaga ang mokong.
Umalis na rin ako sa harapan niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkabalik ko sa room namin, saktong pagdating ng teacher namin sa English. In-announce niya na gagawa kami ng project—isang music video na Tale of Chunhyang inspired.
Naatasan ako maging Director sa gagawin namin. Ayos nga, hindi ako makikita sa video. Hehe.

BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...