SUDDENLY

18 1 0
                                    

"Kakain na !"
Sigaw ni Mama mula sa komedor tapos tinawag ako sa pangalan ko.
Agad akong tumalima at pumanhik papuntang komedor at kumain ng hapunan.
Nang matapos kumain ay pumunta ako sa harap ng bagay kung saan may duyan. Ito na ang nakasanayan ko.
Pero sa di ko malaman-lamang dahilan ay bigla-bigla akong nakaramdam ng lungkot,takot at kaba na di ko alam kung saan nanggaling.
Habang nakahiga sa duyan ay para akong baliw na di ko maintindihan ang sarili ko. Nalulungkot ako sa kadahilanang hindi ko alam, natatakot ako sa bagay na hindi ko rin batid kung ano, at kinakabahan ako nang hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Inilabas ko ang cellphone ko at tinext ang taong inaasahan kong tutulong saakin.

'Part. Can I call? I just need you now.'

Text ko sa pinaka-matalik kong kaibigan. Hindi ko alam pero parang gusto king umiyak. Nangingilid ang luha ko. Siya lang ang nag iisang taong pilit na iniintindi ang kakumplikado ko. Pitong taon mula ngayon mula nung kami ay magkakilala. Di ko inakalang aabot kami sa puntong ganito. Bukas sa isa't isa.  Pero yan ang kinaiinisan niya saakin, madalang akong mag bigay ng kung anong nararamdaman ko. Lalo pa't karamihan sa kanila ay di ako maintindihan madalas ding nangyayari ang bagay na yun saamin. Hindi niya ako mawari subalit  nanatili siya. Napatingin ako sa telepono ko nang umilaw ito at tumunog.

'Sure. Bakit?'

Hindi ko na siya nireplyan bagkos ay agad ko na siyang tinawagan . Ilang tunog lang ay sinagot niya agad ito. Napahinga ako ng malalim.

'Hello Part?'

'P-part'

Maiyak-iyak kong tugon.
Lalaki ako, dapat ay di ako umiiyak pero di ko mapigil-pigilan lalo na't babae itong kausap ko. Pero Sinong may paki? Nais ko lamang umiyak.
Ang kanina pang nag babadyang mga luha ay tumulo na kasabay ng malakas at mabilis na kabog ng puso ko. Takot. Kaba. Lungkot.
Napasinghot ako dahil dun at pinabayaan ang mga ito sa pag tulo. Isang luha katumbas ng mga sakit na kinikimkim  ko sa sarili ko. Isang patak ng luhang di ko magawang ipakita kahit na kanio. Isang patak pa ng luha na sumisimbolo sa lahat ng bigat na pinagdadaanan ko na ni pamilya ko ay hindi alam.

'Part? Umiiyak ka ba?'

Tanong niya saakin.
Suminghot ako dahil sa nag uunahan parin sa pagtulo ang mga luha ko. Gulong-gulo ako.

'P-part. D-di ko alam,pero... I just wanna cry. Hindi ko mapigil-pigilan ang sarili ko. Bakit ganito?'

Sabi ko habang humahagulgol.
Tinawag niya ako sa pangalan ko senyales na siya ay seryoso. Huminga siya ng malalim bago nag tanong.

'Anong problema?'

Tanong niya. May bahid ng lungkot, saya, at pagkabahala ang boses niya. Lungkot at pagkabahala, dahil kung ano'ng maiisipan kong gawin sa sarili ko. Saya, dahil sa tagal at dalang kong mag bahagi sa kanya ay nagbahagi na ako sa wakas.

'Wala. Wala. '

Sabi ko habang umiiling-iling na tila ba nandito siya sa harap ko. Ayoko namang sabihing nag away kami ng mga magulang kondahil hindi naman.. Sa ngayon, we're in a good state. No. Sila lang pala. Sila lang naman ang may problema ehh.

Mis IstoriasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon