Posible ba talagang ma-inlove ka sa taong hindi mo totally kilala. Yung hindi mo alam ang real name,age,birthday,address! Yung taong lagi mong iniisip kung ano kaya ang ginagawa nito sa buhay, kung nag-aaral, nagbobote, nagbabasura o kahit ano mang ginagawa nya. Yung taong napaka misteryoso!
Ako kasi ganun yung problema ko ehhhhh .. -____-
Ewan ko ba kung bakit pero lagi nalang ang bilis kong ma-inlove .. Kahit na hindi ko masyadong kilala yung tao basta't mabait at sweet lang.
Sabi ng iba, siguro daw ay may kulang sa buhay ko kaya ganun ako. Tingin ko naman, isa siguro sa mga dahilan ay dahil NBSB ako or "NO BOYFRIEND SINCE BIRTH"at dahil may pagka HOPELESS ROMANTIC din ako ..
Sa aming magkaka-ibigan .. Ako nalang ang wala pang boyfriend .. Marahil ay nakadaragdag din ang peer pressure! Syempre, pag lahat sila may date, FOREVER ALONE nanaman ang drama ko!
Pero kasi, iba tong sakanya ehhh .. Talagang humanga ako sa kanya pagkatapos kong mabasa ang ilan nyang story. Lahat magaganda at nakaka-iyak rin .. Ito yung mga tipo ng love story na gustong-gustong basahin ng mga hopeless romantic na kagaya ko.
"Nagpalit nanaman sya ng profile picture?" tanong ko sa sarili ko nang makita ko ang bagong profile picture ni TheLivingCassanova.Pero this time, medyo kita na yung lower part ng face nya.Kitang kita ko na yung reddish lips nya ^___^
Si TheLivingCassanova, katulad ko, isa rin syang writer sa wattpad. Yung wattpad ito yung "the best place to discover and share stories" .. Hahahaha XDD Nag-advertised? joke! Sa wattpad pwede kang magbasa ng maraming kwento or kung gusto mo maaari kang gumawa ng sarili mong kwento at ibahagi ito sa lahat .. Pwedeng tunay na buhay at pwede ring gawa lang sa kiti-kiti mong imahinasyon XDD Maaari mo ring itago ang iyong tunay na katauhan sa pamamagitan ng paggawa ng username, at pwede mo rin namang ibulgar ang pagkatao mo. Nasasayo nalang yun!
Ako, mas pinili kong huwag nalang magpakilala. Baguhan a lang naman kasi ako sa pagsusulat.Baka ma-okray ako ng kung sino dyan sa tabi-tabi XDD
Na-inspired akong magsulat ng sarili kong kwento simula nang mabasa ko ang mga kwentong isinulat ni TheLivingCassanova. Inaabangan ko bawat update nya. Nagvovote din ako sa bawat chapter. Tsaka fan narin nya ako.
Dahil sakanya kaya nagdesisyon akong magsulat mula sa ibat-ibang love experiences ko dahil sa pagiging NBSB at HOPELESS ROMANTIC.
BINABASA MO ANG
Love Story Ko Sa Wattpad(One Shot Story)
RomanceHindi masama ang magmahal. Lahat naman tayo ay na-iinlove! Pero, pano kung this time, dun ka naman ma-inlove sa taong hindi mo naman kilala personally? Sa taong hindi mo pa nakikita. Sa taong tanging sa wattpad mo lang nakilala. Magtitiwala at susug...