"READY?" tanong kay Lemon ng coach niyang si Rev. Katabi nito si Juno na siyang technical engineer nila. Kapapalit lang niya ng kanyang racing suit at pupunta na sila sa may pit lane kung nasaan ang kanyang sasakyan. Magkakaroon sila ng round check sa sasakyan bago magsimula ang karera.
"I am," sagot niya kay Rev.
"Are you sure na ready ka na?" tanong naman ni Juno.
Pinangunutan niya ito ng noo. "Oo naman. Matagal na tayong ready para rito. I won't fail you, guys. I promise," pangako niya sa mga ito.
"You'll win the championship trophy?" tanong ni Rev.
Tumango siya. "I'll win it for you, guys," sabi niya sa mga ito. She's a three-time Pacific racing champion. Kaya kampante siyang maiuuwi niya rin ngayon ang championship trophy. Isa pa'y puspusan ang naging ensayo nila para sa kompetisyong ito. Tiwala siyang makakamit niya ang tagumpay.
"Kulang ka sa energy, Lemon. Ayos ka lang ba? Wala kang sakit?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Rev.
Agad siyang umiling. "Wala. Ayos lang ako," pagsisinungaling niya sa mga ito. Pero sa loob-loob niya ay nasasaktan pa rin siya dahil kay Joey at sa mga nalaman niya.
Hindi pa rin niya matanggap ngayon na mas pinili pa rin ni Joey ang pamilya nito kaysa sa kanya. Dapat ay bitiwan na niya ang pagmamahal niya para kay Joey dahil nalaman na niyang wala siyang laban sa pamilya nito pero hindi pa rin niya magawa.
Baka kailangan mo lang ng closure. Kailangan mo lang makausap si Joey para matapos na ang paghihirap mo. Para maka-move on ka na, sabi niya sa sarili.
Baka nga iyon lang ang kailangan niya para tuluyan na siyang makawala sa pagmamahal niya kay Joey.
"You don't look fine," giit ni Juno.
"Okay lang ako. 'Wag nga kayong ganyan," sabi niya sa mga ito. Nauna na siyang maglakad patungo sa pit lane sa dalawa. Binati niya ang ibang team members nila roon pati na rin ang ibang racers na matagal na niyang nakakalaban.
Kinakabahan siya pero kailangan niya iyong patayin dahil kailangang alerto siya mamaya at may presence of mind. Sa kompetisyon ng pangangarera ay kailangang wala kang ibang iniisip tuwing hawak mo ang manibela. Kailangang tutok na tutok ang atensyon mo sa pagmamaneho.
Nang magkaroon na ng hudyat na magsisimula na ang kompetisyon ay sumakay na siya sa kanyang race car. She's going to start at P5. Sa sixty laps na gagawin nila'y kailangan niyang makapunta sa P1 at kailangan niyang imentena ang posisyong iyon para manalo siya sa kompetisyon.
Lord God, help me with this one, piping dalangin niya sa Maykapal.
"CONGRATULATIONS, Lemon!" bati kay Lemon ng kanyang team pati na rin ng ibang racers na nakakasalubong niya. Katatapos lang ng awarding ceremonies at nakamit niya ang tagumpay. Siya ang nakakuha ng championship trophy.
"Thank you, thank you," buong pasasalamat niya sa mga ito. Kung hindi dahil sa magaling na coaching ni Rev at sa magandang pagkakaayos ng kanyang sasakyan ay hindi siya mananalo roon. Niyakap niya isa-isa ang kanyang teammates dahil tuwang-tuwa siya sa kanilang pagkapanalo. Bahagya pa nga siyang basa dahil sa alak na nilaro nila kanina.
"Hey, Lemon! Can I take a shot of you with your trophy?" tanong ng isang babae sa kanya. May hawak itong camera at may malaking word na "press" ang nakalagay sa ID nito. Para itong bata dahil back pack pa ang dala nito. Maganda ang babae. Papasa itong model at mukha rin itong Filipina.
"Sure," nakangiting sabi niya rito. Nag-pose siya sa camera nito hawak ang kanyang tropeyo.
"Thank you," sabi sa kanya ng babae. Pagkuwa'y lumapit ito sa kanya at nakipagkamay. "I'm Cornelia, by the way. You did great out there. Girl power!" nakangiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy Love
Short Story[When your past came back to haunt you...] Wala nang mahihiling pa si Lemon-masaya na siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Hanggang sa ipakilala sa kanya ng kaibigan niyang si Pepper ang lalaking pakakasalan nito: si Joey Montinola. Si Joey an...