Palihim na Luluha

63 3 0
                                    

Eya

May 2, 2017

Una tayong nagkakilala dahil sa pareho nating kaibigan. Naging magkaibigan din tayo. Nagkausap. Nagkakulitan.

May 17, 2017

Ang araw na napagtanto kong nagugustuhan na kita. Oo, alam kong mabilis. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sayo? Gwapo, makisig, palabiro, madaling pakisamahan, misteryoso. Nasa'yo na ang lahat ng tipong gusto ko sa isang lalaki. Yun nga lang maloko ka pagdating sa babae.

May 29, 2017

Unang beses na nagkita tayo. Ang unang sabi mo pa sakin, "ang ganda mo naman." Namula ako at agad niyo akong tinukso. Napapansin ko namang napapasulyap ka sa akin. Ayoko naman maging assuming pero may gusto ka ba sa akin?

June 3, 2017

Gaya ng nakagawian, tayo ay magkausap. Ngunit mukhang hindi maganda ang araw mo. Tinanong kita, 'anong problema?' Ngunit sinabi mong wala. Hindi ako kumbinsido sa sagot mo kaya't pinilit kita hanggang sa sabihin mo kung ano ang problema. Natuwa ako sapagkat sinabi mo na sa akin kung anong problema mo. Pakiramdam ko ay pinagkakatiwalaan mo ako nang mga oras na iyon.

June 4, 2017

Tinanghali ako ng gising sapagkat hindi ako nakatulog sa sinabi mo kahapon. May mahal ka palang iba. Si Stella. Kaya tinanong ko ang isa sa mga kaibigan mo, sino ba ang babaeng iyon sa buhay mo? Siya pala ang iyong, 'almost.' Hindi naman naging kayo pero mahal niyo ang isa't-isa. Walang nakakaalam kung bakit ayaw mo siyang ligawan. Masaya ako para sa inyong dalawa ngunit ako'y nalulungkot para sa sarili ko.

June 11, 2017

Isang linggo na akong umiiwas sa iyo. Oo, mahirap. Lalo na't araw-araw mo akong kinukulit at tinatanong kung bakit kita hindi pinapansin. Ayoko naman kasing paasahin ang sarili ko sa wala. Kung may mahal kang iba, hindi naman kita mapipigilan. Sino ba naman ako para mangielam sa buhay mo? At siya ang nauna kaya mas lalo akong walang karapatan.

June 16, 2017

Sa araw na ito ay tumigil ka na rin sa pangungulit at pangangamusta sa aking hindi ko tinutugon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o manghihinayang. Matutuwa dahil nawala ang nangungulit sa akin o malulungkot sapagkat tumigil ka na sa akin. Alam kong saglit pa lang tayo magkakilala at nagkausap ngunit batid kong mahal na nga kita.

June 27, 2017

Nakaka-apat na palit ka na ng kasintahan mula nang huli tayong nagkausap. Nakakaramdam pa rin ako ng sakit tuwing nakikita ko ang palitan niyo ng matatamis na salita pero siguro nga tanga talaga ako dahil sinusubaybayan ko pa kayo. At tatandaan mo lagi, makita ko lang na masaya ka, masaya na rin ako. Kahit pa na hindi ako ang nagpapasaya sa iyo.

July 1, 2017

Kaarawan ng kaibigan kong kaibigan mo rin. Alam kong dadalo ka sa kaarawan niya kaya hindi ko maiwasang kabahan. Pagkatapos ng isang buwan ay muli tayong magkikita. Nagpaganda pa talaga ako ng araw na iyon na parang ako ang may birthday. Nang makita kitang pumasok ay mistulang tumigil ang mga tao sa paligid sapagkat sayo lang nakasentro ang paningin ko. 'Shet, mas lalo kang gumwapo.' Ang tangi kong nasabi. Kasama mo ang kasintahan ng kaibigan ko at dalawang babae. Ipinakilala nila ito sakin bilang si Dea at Stella.

July 2, 2017

Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit si Stella pa ang nagustuhan mo. Nandito naman ako. Hindi hamak na mas maganda at mas kaya kong dalhin ang sarili ko kesa sa kanya. Ngunit ako'y labis na nasaktan nang makita ko kung paano mo siya tingnan. Kung paano ka tumingin sa akin noon ay walang-wala iyon kung paano ka tumingin sa kanya. Doon ko narealize na baka hindi nga tayo para sa isa't-isa.

Palihim Na LuluhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon