He's a GIFT or a LESSON?

15 0 0
                                    

Simpleng love story, Simpleng tao, Simpleng pangyayari at Simpleng heartbreak. Every love story naman may heartbreak na nangyayari diba? Impossibleng wala. Yan na kasi ang nagsisilibing CLIMAX ika nga nila sa bawat love story. Kwento ko lang yung akin ha?

(Heyy! First time ko po to kaya sorry kung mapapangitan kayo. NO HATE PLEASE. :( Thankyou po! Sorry po sa mga maling spellings and punctuation ha? Begginer palang po eh.)

Nagsimula lahat nang makilala ko si Franz. 13 years old ako nun at siya naman ay mga 15 years old, Ka batch at ka schoolmate siya ng ate ko and at the same time, Magtropa sila it means pumupunta si franz sa bahay namin para tumambay kasama ang iba pang tropa ni ate. May business kasi kami, Isang fitness gym. (sa taas lang ng bahay namin ang gym)

Isang araw, Nag gym si ate kasama ang mga tropa niya. Hindi ko pa nakikita si Franz ng mga panahon na yun. Nabanggit lang siya saakin ni Ate dahil dancemate niya ito, Nasabi rin saakin ni ate na may itsura at malakas ang dating ni Franz kaya mas naging interesado akong makita siya sa personal. Hindi kasi siya kagwapuhan sa pinakitang picture ni ate sa Facebook.

Sarado na ang gym namin pero nakatambay pa rin sila ate sa gym. Doon ko na napagisipan na umakyat para makita ko ang tropa ni ate and that includes Franz, Pagakyat ko siya na agad ang nakita ko.

Maputi, Chinito at Average height. Nag hi siya saakin kaya nag- HI din ako. Hindi ako nagwapuhan nung una pero habang tumatagal, Okay naman pala siya, May itsura din pala siya at ayun ang pinakauna naming pagkikita ni Franz. Akala ko yun na ang last na paguusap namin, Simpleng Hi at goodbye pero after 1 week, Nakitext sa cellphone ko si ate. Hindi ko na tinanong kung sino ang itetext niya dahil busy ako sa kakacomputer, Mayamaya, Binalik na niya saakin ang phone ko, Tinignan ko ang Outbox ko pero binura pala ni ate yung text niya kaya hindi ko nalang pinansin kasi baka PRIVATE.

Isang araw ulet ang nakalipas at may nagtext saakin, Unregistered number. "Oi" ang sinabi. Sa una, Hindi ko pinansin kasi baka nangtritrip lang pero naulit nanaman ang text niyang yun kaya nagtext ako ng "Who's this?" Agad naman nagreply ang unregistered number at tinanong kung sino ba ko? Nainis ako sa tanong na yun, Siya kasi ang una na nagtext tapos siya pa magtatanong kung sino ako? Nabastusan ako at nainis sakanya kaya tinanong ko kay ate kung kilala ba niya yung number, Parang familiar daw sakanya yung number kaya chineck niya ang contacts niya and CONFIRM! Kilala nga niya ang number at kay Franz daw yun. Sabi niya burahin ko nalang daw at wag pansinin, Itetext nalang daw niya si Franz na sa phone na niya magtext dahil nakitext lang daw siya sa phone ko noon pero hindi ko binura, Wala lang. Just in case diba?

Another week passed, Boring na boring ako! Sinearch ko ang contacts ko kung sino pwede itext at nakita ko ang pangalan ni Franz, Nagtext ako sa kanya nang simpleng HI, Hindi ako umaasa na magrereply siya pero unexpected, Nagreply nga! Natuwa ako dahil sa wakas may magagawa ako sa araw na yun. Pero hindi lang pala sa araw na yun, Mas napatagal ng ilang oras, araw at buwan ang pangtetext namin ni franz. Nakakatuwa kasi siya katext at nakakakilig pa. :"> Kinwento ko kay ate na magkatext nga kami ni franz, Akala ko okay lang sakanya pero hindi pala!

Pinapalayo niya ako kay Franz.

Nagulat ako! Bakit? Sabi niya, Nilalandi lang daw ako ni Franz sa text. Babaero daw yun at katawan lang ang habol. Nagulat ako? What?! Pinipilit ako ni ate na burahin na ang number ni Franz sa phone ko at wag na ito itext. Sa una, Ayokooo! Kasi nga, Nasanay nako makipagtext sakanya kaya ang ginawa ni ate, Siya na mismo ang kumausap kay Franz na layuan at wag na ako landiin kundi pabubogbog daw niya si Franz pag hindi tumigil. (may kilala si ate na nambubugbog)

At sa huli, Hindi nako tinext ulet ni Franz at binura ko na rin ang number ni Franz sa phone ko. Hindi ako nagalit kay ate, Dahil alam ko namang, Ayaw lang niya ako masaktan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's a GIFT or a LESSON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon