nightmare

27 2 2
                                    

Naglalakad ako ng mag-isa sa kadilimang ito.Napalingon ako nang may parang humawak sa balikat ko.Isang babae humihingi ng tulong.

Tulungan mo ko Ashley please..........

Nagulat ako ng sinabi nya ang pangalan ko.Paano mo nalaman ang pangalan ko

Please.....tulungan mo ko......please nagmamakaawa ko sayo ilayo mo ako sa kanila

Kanino?sinong sila?

May tinuro sa likod ang ko at biglang may humatak sa buhok ko at hinila palayo sa babae.Napunta ako sa isang madilim at malamig sa lugar.Isang boses ang narinig ko parang isang ng boses ng babaeng galit na galit

Bakit Hindi mo ako tinulunga bakit bakit..........Magsisisi kayong lahat sa ginawa nyo sakin.Ibabalik ko lahat ng ginawa nyo sakin.kung gaano kasakit ang ginawa nyo mas masakit pa doon ang mararanasan nyong sakit,hirap at dusa.lubos-lubosin nyo na ang mga masasayang araw nyo .

Itinulak ako ng babae sa isang malalim at sobrang dilim na bangin na parang walang hanggan.

Anak gising na..............

Mama?

Panaginip lang pala......

Oo nga pala,unang araw ko sa school ngayon.Lumabas ako sa kwarto at bumaba.Nakita ko si mama na naghahanda ng breakfast at sumilip ako sa labas nakita ko si papa na nagwawashing ng kotse.Lumapit ako Kay mama.

Mama si bakit wala si Kuya?

Maagang pumunta sa trabaho,oh tawagin mo ang papa mo kain na.

Papa kain na po.....

Pagkatapos Kong kumain at magligo ay nagpaalam ako Kay mama.Exited ako sa bagong school na lilipatan ko ang Daltone Academy, exited naman pero kinakabahan parin ako baka kagayang lang ng last na school na pinasukan ko.Tumugil ang kotse at binuksan ko ang bintana ng kotse

Daltone Academy..........

Ashley nandito na tayo ,susunduin kitang 5:10 hintayin mo lang ako dyan sa may waiting shed.

Opo papa.......

Tinignan ko ang relo ko 6:30 am at pumasok ako sa gate.Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sakin,iniiwasan kong tignan sila kaya yumuko nalang ako at lumapit sa guard.

The Devil In Our ClassroomWhere stories live. Discover now