CHAPTER 1: School

60 19 0
                                    


[Ayesha Krishna Miltray]

Malamig ang simoy ng hangin. Hindi na ito bago sa lugar namin. We're living in a high-ground place which is Tagaytay. Busy ang parents ko, even my sister who is now having her OJT since she is already a 4th Year College. She took Business Management. Well, noon i thought dahil lang sa may kompanya kami but no. She really liked business. She enjoys it.

Me? I'm now a Senior High School. Grade 11. Yes. i suffered! and i succeed. Dahil noong 2nd year highschool ako, nilipat ako sa school na pinapasukan ko ngayon ng 2nd quarter. At sumunod na nangyari ay nag-stay ako sa school na iyon. But the problem is, halo-halo ang estudyante. May mga estudyanteng makakaintindi sa tulad ko. May iba naman na inosente. I'm studying at Brint Kingdom. It's open for all. Literally ALL. Normal ka man o hindi.
Pero kahit ganoon ay iilan lang kaming may ganitong personalidad. Iilan lang kaming nakakaintindi sa isa't isa. At iilan lang kaming nagtatago mula sa realidad sa aming buhay. We have to act normal. At dahil nagsasawa na ako sa pagrerebelde ay kahit papaano ay inayos ko ang pag-aaral ko at doon nasatisfy ang magulang ko.

I got friends. At himala na hindi na tumutol pa ang mga magulang ko. Maybe because they were triggered about how i treat them since then. Natakot siguro sila na lalo lang akong magalit. I got friends but they're like shadows. Nang mangyari ang hindi dapat mangyari which is happened to be the accident... yeah i got into an accident. Accident that almost took my life. After that accident, kumalat sa school na nagpakamatay ako at hindi lang iyon. Bago ako maaksidente ay may nagpakamatay sa rooftop ng Brint Kingdom. But i'm innocent! Pero ako ang pinaghinalaan nila dahil hindi nila alam ang aksidenteng nangyari sa'kin. Limang araw akong naka-confine sa hospital. I thought i will be normal dahil hindi ko na nararamdaman na may charm pa ako, but i'm wrong. Pansamantala lang pala iyon. At pagbalik ko sa school, BOOM! They hated me. They talked about me. Marami ang naniwalang nagpakamatay ako dahil guilty DAW ako sa ginawa ni Lia na nagpakamatay pero nagpapasalamat ako at marami din ang naniniwalang inosente ako at naaksidente lang ako. May mga naging testigo pero ayaw maniwala ng iba. Kasama na roon ang mga kaibigan ko noon.. Isa lang ang natira saakin.

"Krish? Liam is waiting outside" nilingon ko ang tumawag saakin. There is my sister, Ash Nicole Miltray standing beside the sliding door. Nandito kasi ako sa terrace sa pangalwang palapag ng mansyon at nagmumuni-muni.

I scanned my watch and saw the time. 6:50 am. Matagal tagal na din pala akong nakatunganga lang dito sa terrace. Sumunod na akong bumaba at kinuha ang shoulder bag ko mula sa Sofa. I checked if my things are complete. Pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas pero bago pa ako tuluyang makalabas sa terrace ng mansyon ay tinawag ako ni mommy.

"Krish, baby. Take care okay? We love you"

Sa halip na ngumiti ako ay tinanguan ko lang sila ni daddy na noon ay nasa likod ni mommy. Ganito na ako mula noon. Tahimik at malamig ang pakikitungo sakanila. Si ate lang ang kinakausap ko pero hindi lagi dahil naging ilag ako. Pagkalabas ko ay sumalubong saakin si Liam na parang nasa pictorial shoot na nakasandal sa Ford na kulay blue na kotse n'ya at nakaporma. He's wearing a manly jacket at nakashades siya.

"Feeling star?" i sarcastically asked him. He just smirked and then gave me his boyish smile. Kung normal na babae lang ako ay kikiligin at mahuhulog ako sa ngiti at kaguwapuhan niya but no.

Well, i'm wearing my uniform which is a white blouse and a black blazer. Then a blue stripes skirt. Parang korean lang. Tsk.
"Tumawa ka naman babe. Hahaha" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tatawa tawa siyang lumapit saakin at kinuha ang bag ko pagkatapos ay kumindat saakin.

Siya... Siya ang nag iisang tao na natira saakin when the darkness filled my whole life. Siya ang pilit na humihila saakin pabalik sa liwanag. We had our past. Yes, we're lovers. And he understand my case. My whole personality. Alam niya lahat at nakakamanghang isa din siyang tulad ko pero ang kaibahan. Mas normal siyang maituturing dahil isa lang ang alas niya. Boyfriend ko siya.... Noon. Pero nang malaman ng lahat ang tungkol saamin at halos buong mundo maging sagabal at hindi nag-agree sa relasyon namin. Ako na ang tumigil. He pleaded. He cried. He did everything to bring me back but i ignored him several times. Hanggang sa tanggapin niyang bestfriend ang maibibigay kong label sakaniya. But because he will never give up and i know that. He always reminds me na bestfriend kami ngayon at magiging mag-asawa kami in the future.

MAGICAL; A Charm's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon