CHAPTER 2: What's with you?

50 19 0
                                    


[Ayesha Krishna Miltray]

8:00 pm

Nagising ako nang tumunog ang alarm clock na nasa bedside table. Nawala na ang hilo ko pero hindi ko nakalimutan yung nangyari kanina.
Inayos ko ang sarili ko at doon ko lang napagtantong nasa kwarto na ako.
Nandito pa kaya 'yon?

Patuloy kong inayos ang sarili ko sa salamin at pinusod ko ang buhok ko pero halos malaglag ang puso ko sa gulat nang mawala ang repleksiyon ko sa salamin at parang may tornado sa loob ng salamin hanggang sa unti-unti itong nawala. Napaupo ako sa kama nang makita ko ang isang tao... Hindi.. Hindi ito tao. Hindi normal na tao. The woman whose I think in mid-60's or 70's was wearing a white long gown.

"Ayesha Krishna. Kamusta ka na?" l Napaatras ako  nang magsalita ito. Pero hindi lang iyon. Lalo akong napaatras nang gumawa siya ng mahika sa dalawang kamay niya. Sa isang kamay niya ay lumabas ang isang apoy at sa isa naman ay isang kumikinang na bola.
"Ikaw 'to" sambit ng babae at itinaas sa ere ang bola. Gumalaw ang bola in circular motion "At ito ang buhay mo ngayon.. para sayo" iniangat naman niya ang isang kamay niya at napapikit ako nang lumakas yung apoy na nasa kamay niya

"You're special. You're gifted. You're a princess. Pero hindi mo matanggap iyon. Dahil ang tingin mo sa buhay mo ay isang malaking kulungan at isang malaking pagkakamali" sa sinabi niyang iyon ay napa-ismid ako. Totoo ang sinasabi niya.

"Gusto mong maging normal tulad ng iba pero napaglaruan ka ng tadhana dahil napunta ka sa maling buhay. Na ang iba'y inaasam na maging ganiyan" pagpapatuloy niya. Nawala ang apoy sa isang kamay niya at natira ang bola sa kanang kamay niya.

"Pero wala ka ng magagawa dahil nasa iyo na 'yan. Kaakibat ng pagkatao mo ang pagiging Charmer. Kung magiging normal ka ay malalagay sa panganib ang pamilya mo" kinabahan ako sa huli niyang sinabi kaya't napatayo ako sa kama at lumapit sa salamin

"Bakit? Bakit ba hindi pwede!? Tell me!"

"Dahil iba kayo. Mayaman ang pamilya niyo at nanggaling ang angkan niyo sa mahika. Tanggapin mo iyon iha. Tanggapin mo ito" iniabot niya ang bola. Mula sa loob ng salamin ay lumabas ang kamay niya para iabot ang bola. Nag-aalinlangan pa ako kung kukunin ko yun pero sa huli ay tinanggap ko.

"Lagi mong dalhin 'yan. Mapoprotektahan ka ng bagay na iyan. Lagi mong tatandaan na hindi ka man normal na tao, sasaya ka pa din. May pag-asa pa Ayesha Krishna" nakangiting wika nito.

"Pero teka----" hindi ko na  naituloy ang sasabihin ko nang maglaho ito at bumalik ang repleksiyon ko sa salamin.

Gusto kong magtanong pa sakanya. Gusto kong malaman kung ano bang meron sa pagiging Charmer. Gusto kong malaman lahat.
Bumukas ang pinto at niluwa niyon si Liam.

"Are you okay?" bakas sa mukha niya ang pag-aalala at dali dali itong lumapit saakin.

Pero nabaling ang tingin niya sa hawak ko. "B-Bakit may ganito ka?!" bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ang bola na binigay ng babae kanina.

"The woman gave me---"

"Don't tell anyone that you have it. Even your parents" seryosong wika niya. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero hindi niya ako binalingan ng tingin. Kinuha niya ang bola sa kamay ko at hinanap ang bag ko. Nang mahanap niya ay nilagay niya iyon sa loob.

Pagkatapos n'on ay hinila niya ako palabas at sinabing umakto ako ng normal at parang walang nangyari sa loob ng kwarto. Gusto kong tanungin pa siya pero nagpaalam na siyang uuwi siya. Naguguluhan na ako.

----

Kinabukasan sa school ay sumalubong saakin sa field ang nagkakagulong mga estudyante. Hindi ako nasundo ni Liam dahil pinatawag daw siya ng daddy niya kaya't nagpahatid na lang ako sa driver namin. Bigla ay na-curious ako sa pinagkakaguluhan nila sa field. Sa mga mukha nila ay bakas ang excitement at pagkatuwa sa binabasa.

MAGICAL; A Charm's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon