[Ayesha Krishna Miltray]"May naumpisahan na ba kayo sa project na binigay ko?" blangko ang mga mata ni Miss H na nakatingin saamin. Pagkapasok niya ay agad na siyang nagtanong.
Nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa buong room. Nagtatanong sa katabi kung may naumpisahan na o kung anong plano. Habang si Miss H ay blangko lang na nakatingin sa amin. Hindi mababakasan ng galit o inis.
"Based on your reaction, I therefore assume you haven't started yet" bigla ay sabi niya. Natahimik ang lahat."Our group Miss" napatingin kaming lahat sa direksyon ng President.
"We already exchanged suggestions and it's already finalized. We're just waiting for a good schedule" dugtong pa nito at hindi ko inaasahang titingin siya sa direksyon namin.Nalipat ang tingin namin kay Miss H nang magsalita siya. "Naging maayos ang daloy ng usapan n'yo..." ngumisi si Miss H pagkatapos sabihin iyon. Napapikit ako sa sinabi niya. Batid kong hindi siya makapaniwala at doon ko napatunayang plano niya 'tong lahat.
"Very good group 2. Anyway, for your schedule. I'll give you 8 days as a gift. At magsisimula ang araw niyo bukas" literal na nanlaki ang mata ko sa tugon ni Miss H.
Bukas!? Bakit ang aga!?
Hindi ko alam kung anong laro ang gustong mangyari ni Miss H pero nasisiguro kong hindi ganoon kaganda ito.
"And for the remaining groups, dahil hindi kayo nakapaghanda ay bibigyan ko lang kayo ng limang araw. Accept the consequence" seryosong sabi nito at nagpatuloy sa discussion.Halata sa mga kaklase ko na gusto nilang magreklamo pero wala silang nagawa nang magsimula na si Miss H sa discussion. Lahat kami ay kanya kanya ng sulat. Hindi tulad ng ibang school at ibang section, sa room namin hindi pwedeng nakikinig lang kami. We should write and remember every important details. Dahil kinabukasan, lahat ng nadiscuss ni Miss H ay itatanong saamin at kailangan naming masagot.
"Before i end the discussion and before i'll dismiss the class. I will leave you a short quote"Naging tahimik ang lahat. Naghihintay sa sasabihin ni Miss H.
"When you know you can, do it. When you know there's a hope, take the opportunity. That will set you free.. Class dismiss. See you tomorrow everyone" pagkatapos n'on ay iniwan na niya kami.
Tumatak sa isip ko ang sinabi niya. At alam kong pati sa mga kaklase ko ay tumatak iyon.
------
"Magtataka niyan si panget. Hahaha" rinig kong bulong ni Tristan kay Troy.
" Oo nga! HAHAHAHA" naging malakas ang tawa ni Tristan kaya naman nabaling sakanya ang atensyon naming lahat.
Nandito kami ngayon sa computer laboratory. Ang mga kasama ko? ang buong group 2. Napapayag kami ng President na mag-usap usap kami sa isang lugar kung saan tahimik at kami lang ang makakarinig sa project na gagawin namin. Hindi kami tumuloy sa Cafeteria dahil agad silang nagyaya.
"Yay. Sorry!" tinakpan ni Tristan ang sariling bibig at nagtago sa likod ni Troy. Tawa lang ang tinugon sakanya nung anim. Ako naman ay napailing. Habang si Liam ay masama ang tingin sa dalawa.
Nang mawala na ang tawanan ay natahimik ulit. Pero binasag din iyon ni President at nagsalita. "Since we'll start the schedule tomorrow. Saang lugar ang gusto n'yong unang puntahan?" tanong niya saamin ng nakangiti.
"Sa Laguna---"
"Hoy hindi! sa Pampangga muna!"
"Ulol mo Spade! Sa Laguna muna! Mas malapit 'don!"
BINABASA MO ANG
MAGICAL; A Charm's Tale
FantasyLife is fair when you could get anything you want. When the happiness given to you. When everything agrees with your existence. When people wants you to stay. When you have everything you want to have. But it is also unfair. Life is unfair for all t...