"Nak, nandito si Andrew. Gusto ka daw makausap. Lumabas ka na dyan at kanina pa sya naghihintay." Sabi ni Mama habang kumakatok sa kwarto ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang pangalan nya. Bakit sya nandito? Dis oras na ng gabi ah?

Lumabas ako sa kwarto at nakita ko syang nakaupo sa sala namin.

"A-Andrew." Lumingon sya sa'kin saka ako nginitian.

"Kris, pwede ba kitang makausap sa labas?" Tumango naman ako bilang sagot.

"Anong s-sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko sanang magpatulong. Gusto kong mag-propose kay Maricar." Sabi nya habang nagkakamot ng batok na para bang nahihiya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bakit sa dinami-dami ng tao, sa'kin pa sya humingi ng tulong? Hindi ba nya alam kung gaano kasakit yun para sa'kin? Sabagay, bestfriend pala nya ako at hindi nya alam ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya.

.

"Ano na? Tulungan mo ako ha? Please, dre, please." Tumango ako bilang senyales ng pagpayag sa gusto nya. Ano pa nga bang magagawa ko? Mahal nya eh, magpaparaya na lang ako kahit masakit.

"Yes! Salamat! The best ka talagaaaaaaa!" Niyakap nya ako. May parte sa puso ko na masaya kasi magkayakap kami, meron ding parte na malungkot dahil ikakasal na sya.

"So, eto ang plano...."

(Kinabukasan)

Nakatayo ako sa may pintuan ng bahay ng girlfriend nya.

*door bell*

*door bell*

"G-good morning. Wala si Andrew. Sa'kin ka na lang daw muna sumabay." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nginitian din nya ako ngunit kitang-kita pa rin sa mata nya ang disappointment. 4th anniversary din kasi nila ngayon.

"Sige. T-tara na." Ikinawit nya ang kamay nya sa braso ko. Kapag naiisip ko na sya yung taong mahal ng mahal ko, gusto ko syang balian ng buto. Pero hindi naman ako ganun ka-brutal, kaibigan ko pa rin naman sya. Kailangan ko na lang tanggapin. Kailangan kong maging mature.

Nang pumasok kami sa office ay halata sa mukha nya ang pagtataka.

"Ay bakit ganun? Walang tao. Holiday ba ngayon, Kris?" Tanong nya sa'kin.

"M-malay ko. Hindi ko alam. Tara na sa taas." Tinignan nya ako ng may halong pagdududa.

"Hmm. Sige tara na." Hinila nya ako papapunta sa elevator. Bigla syang nagsalita.

"Kris, alam mo bang mahal na mahal ko yung bestfriend mo?" Mahal na mahal ko din ang bestfriend ko.

Aray Ko BheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon