Chapter 13

231 11 0
                                    




"Glaizaaaaaaa." Sigaw ni Kylie pagkakita nya sa kaibigan. Bumalik na si Glaiza sa trabaho. Lumapit si Kylie sakanya at niyakap ang kaibigan. "Namiss kita. Akala ko wala ka ng balak bumalik eh."



"Pwede ba yun. Nandito na yung bagong buhay ko." Glaiza said tapos lumingon sya sa desk ni Ruru. But to her surprise.. wala doon ang hinahanap ng mata nya. Baka lumabas lang with Rocco and Pancho. Much better. Makakapagtrabaho ako ng mas maayos. Sambit ni Glaiza sa isip.



"Kamusta ka na? Tagal ng bakasyon ah."


"Better." Maiksing sagot ni Glaiza ng may ngiti sa labi.


Pumunta na ang dalawa sa kani-kanilang desk at nagsimulang magtrabaho.



Nakita na din ni Glaiza sila Rocco at Pancho pero hindi nya pa rin nakikita ang hinahanap nya. Hanggang matapos ang oras ng trabaho nila kahit anino ni Ruru hindi nya nakita. Nag-alala sya bigla para sa kaibigan.




Nasa labas si Glaiza ng building hinihintay sila Rocco at Pancho na lumabas. Naiwan kasi ang dalawa dahil pinatawag pa sila ni Ms.Chua.


"Rocs." Tawag ni Glaiza kay Rocco ng makita nya ito at si Pancho. Lumapit sya sa dalawa.


"Oh Glaiza. Bakit nandito ka pa?" Rocco asked.


"Itatanong ko lang sana. Baka alam nyo kung bakit hindi pumasok si Ruru?"


Nagkatinginan sila Rocco at Pancho. Tinginang tanging sila lang ang nagkakaintindihan. Tumingin sila ulit kay Glaiza at huminga ng malalim.


"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Glaiza.



"G, yun na nga eh. Ilang araw ng hindi pumapasok si Ruru. Pinatawag na nga kami ni Ms.Chua kasi ang dami na nyang trabahong hindi natatapos. Kailangan namin tapusin yun as soon as possible. Nagagalit na si Ms.Chua." sambit ni Pancho.


"Ilang araw na syang hindi pumapasok?" Tanong ni Glaiza. Bakas sa boses nya ang pag-aalala para sa binata.



"Ang huling usap namin nung inihatid ka nya sa inyo. Then after that.. wala na. Wala na syang paramdam. Hindi na sya pumasok. May nangyari ba, G?" Rocco asked.


Tila nanlambot naman si Glaiza at napaupo nalang. "Kasalanan ko to eh. Kasalanan ko lahat." Glaiza said in almost whispered. Naluha na naman sya. Hindi nya alam ang pwedeng isipin.



"Wait." Inalalayan ni Rocco at Pancho si Glaiza na tumayo. "Ano bang nangyari sa inyo? May problema ba kayo?"


"I'm sorry.. kasalanan ko. Kung hindi ko sya pinagtulakan palayo nung araw na yun. Hindi sana sya aalis. Hindi sana sya aalis. I'm sorry." Tinakpan ni Glaiza ang mukha nya. Ayaw nyang ipakita kila Rocco ang pag-iyak nya.



"Shhh. Kung ano man ang nangyari sa inyo ni Ruru. Magiging okay din kayo. Huwag ka ng mag-alala. Kilala namin si Ruru. Nagpapalamig lang yun."



"S-sigurado ka?" Glaiza said



"Oo. Kaya wag ka ng mag-alala dyan. Ihahatid ka na namin ni Pancho." Sambit ni Rocco.




"Thank you, Rocco, Pancho."





//






2:30 am na pero hindi pa din nakakatulog si Glaiza. Iniisip nya si Ruru. Iniisip nya kung ano ng nangyari dito at ilang araw ng walang paramdam at hindi pumapasok sa trabaho.




The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now