Para sa babaeng minahal ko nang husto,Naalala mo pa noong una tayong magkita? Bata pa tayo nun, umiiyak ka noon ng matagpuan kita sa ilalim ng kiddie house sa playground. Ang sabi mo nun, umiiyak ka kasi tinutukso ka nila na panget ka. Pero para sa akin, mali sila. Kasi ikaw ang pinakamagandang bata na nakita ko. Ang berde mong mga mata na may asul sa gilid, ang mupupulang mong labi, ang ilong mong matangos. Kung sa kanta pa, Na sayo na ang lahat.
Tinabihan lang kita kasi kahit ako nahihiyang kumausap sa isang dyosang katulad mo. Noong tumigil ka na sa kaiiyak, hinawakan ko ang kamay mo at itinayo ka. Tinakbo kita nun kahit umuulan, kasi yun lang ang naiisip kong paraan para maging masaya ka. At hindi naman ako nagkamali, kasi pagkatapos nating tumakbo sa ilalim ng ulan, may namuong ngiti sa labi mo. Isang ngiting nagpapabilis ng tibok sa puso ko.
Simula noon, naging nagkaibigan na tayo, hanggang sa naging mag best friends na tayo. At mas lalo tuloy nahuhulog ang damdamin ko sayo.
Akala ko nun, may gusto ka rin sa akin. Akala ko nun, higit pa sa best friend ang tingin mo sa akin. Akala ko nun, ikaw na talaga ang babaeng makakasama ko habang buhay. Akala ko nun, mahal mo rin ako. Pero pesteng akala yan, dahil diyan sa akalang yan, mas lalo tuloy akong nasasaktan. Bwiset.
Biglang dumating ang lalaking iyon sa buhay mo. No, scratch that, buhay natin. Naging matalik tayong magkakaibigan tatlo, hanggang sa niligawan ka niya. At first, okay lang yun sa akin kasi nga sa mga akala kong mali pala. Pero noong sinagot mo na siya ng 'Yes!', parang gumuho ang mundo ko.
Naalala mo ba nung, nag-absent ako for 1 week? Oo, dahil yun sa'yo. Pero hindi kita sinisisi kasi masyado lang talaga akong assuming nun. Hindi ako makakain nun. Alalang-alala na nga sila nanay at tatay sa akin. Hanggang isang araw, kinausap ako ni tatay. Sabi niya,
"Ang love parang utot lang yan, kapag pinagpilitan mo, baka maging tae yan, kaya kung ang minamahal mo ayaw sayo, wag na wag mong ipagpilitan ang sarili mo kasi walang magiging masaya sa inyong dalawa, akala mo siguro pag napasayo na siya, sasaya ka na? Pero ang totoo mas lalo kalang masasaktan, kasi ang taong minamahal mo ang buhay niya nagiging tae lang."
Hindi ko alam kung bakit utot ang ginamit ni tatay para payuhan ako, pero kahit utot pa ang ginamit niyang halimbawa. Napaisip ako. Tama siya. Kung ipagpipilitan kita sa isang tulad ko, sasaya ka ba? Kahit masakit man makita na ngayon ay ngumingiti ka nang dahil sa kanya. Okay lang, ang importante dapat masaya ka, hindi magiging tae ang buhay mo.
Okay na sana ang lahat, pero nag-away kayo bigla. Nang malaman ko na ang naging dahilan nun ay nahuli mo siyang may kahalikan, ang sarap sapakin ng lalaking yun. Gago talaga! Ipagpapalit niya lang ang dyosang minahal ko sa isang palaka? Galit na galit na ako nun, ang sabi ko sayo, gagantihan ko yun, pero pinigilan mo ako dahil sa mahal mo siya. Tangenang pagmamahal yan. Pero alam mo ba? Kahit galit na galit ako nun, may kaunting kasiyahan akong nadarama nun, dahil ngayong wala na kayo, may chance na akong mapasa-akin ka. Selfish? Oo, pero wala akong magagawa, grabe na ang pagkahulog ko sayo.
Ginawa ko ang lahat mapasa-akin ka uli. Akala ko nun, okay ka na. Akala ko nun, naka moved on ka na. Akala, akala, akala. Ayan na naman ako sa pesteng akalang iyan. Noong dumating siya ulit, dun ko napagtanto na mali na naman ako sa pesteng akala ko. Bumalik at sumama ka ulit sa kanya.
Marami akong ginawa para makalimutan ka lang, pero wa epek. Kahit anong gawin ko, naaalala lang kita. Kahit ang pag-ngiti mo na para sa gagong iyon, naaalala ko rin. Nagpakalasing ako, nandiyan ka pa rin sa utak ko. Sinubukan ko na rin ang mag-droga nun, pero nahuli mo ako. Kahit ang pagpapakamatay ginawa ko na rin, pero nakita ako nila tatay. Ano bang ginawa mo sa akin? Ba't ba hindi ka mawala-wala sa isipan ko? Inisip ko nalang na baka magkahiwalay ulit kayo at baka hindi pa sapat yung ginagawa ko sayo.
Nakalipas ang ilang taon, hindi na kayo nagkahiwalay pa ulit. Nakalipas rin ang ilang taon, na palihim kitang iniibig at palihim rin akong nasasaktan. Kahit anong baling ko sa ibang babae, ikaw at ikaw pa rin ang laman ng puso ko.
Kahit masakit, masaya pa rin naman ako kasi alam ko namang masaya ka rin sa piling niya. Masaya pa rin ako kahit hanggang best friend lang tayong dalawa. Basta ba nasa tabi lang kita palagi. Okay na yun.