HSLT 15

96 1 0
                                    

•Narrative•

For the first time in forever (Frozen lang ang peg),  nagpaload ako—Unli Texts to all networks.

Hindi naman kasi talaga ako nagpapaload. Once in a blue moon lang yata. Wala naman kasi akong text mate, so why bother at mag-aksaya ng money 'di ba?

But on our First shooting day, it became different. Kasi... nagkaroon ako ng katext—for hours.

Ang hirap lang kasi na putulin ang isang magandang conversation with a good friend—which is for me, a convo with Larrent.

He's the one who texted me first, tinanong niya kasi kung saan daw kami nags-shooting. Nakikibalita lang daw siya, pupunta daw siya sa location ng shooting namin para masabotahe daw ang grupo namin. LOL. Competitive.

Ang sarap-sarap niya kausap, hindi siya nauubusan ng topics. Ang nakakatuwa pa e parehas kami ng mga trip sa buhay at kaya niyang maki-ride sa aking mga kalokohan.

Hindi ko alam kung paano nangyari na from "Saan kayo? " ay napunta kami sa usapang love/crush life.

Sa lahat ng mga messages niya sa'kin,  isa lang ang nagpayanig sa mundo ko. (Ang OA ng 'nagpayanig' , anong magnitude kaya 'yon?  Haha)

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon