•Narrative•
Mabuti na lamang at natapos na namin ang pags-shoot noong araw na iyon. Talagang... natulala ako sa text na iyon ni Larrent. Minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako nakakapagreply.
Habang nakatitig sa cellphone at nag-iisip ng sasabihin, biglang may nakabanggaan ako.
"Kasi, text ng text. 'Di tumitingin sa daan. "
Inangat ko ang aking ulo upang makita kung sino ang aking nakabangga, at nagulat ako no'ng si Tenecius pala iyon.
Ngayon ko lang siya ulit nakita mula noong nagsimula ang Grade 8.
"Kuya Ten, sorry. 'Di kita nakita. "
"E paano focus na focus ka diyan sa pakikipagtext. " nilapit niya pa ang ulo niya at sinubukang tingnan ang cellphone ko. "Yung Larrent 'yan 'no? Yiee. "
It felt weird na ang nang-aasar sa'kin ay 'yong isa pang pinang-aasar sa'kin.
Pinalo ko ng pabiro sa braso si Ten. "Loko. H-hindi 'no. "
Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pang sabihin na si Larrent nga ang katext ko noong mga panahon na 'yon. Natatakot ba ako na makarating ang balita na 'yon sa mga kaklase ko at asarin nila ko? O... takot lang ako sa magiging reaksyon ni Tenecius?
Ay, ewan ko ba.
Iniba ko na lang ang topic at ibinaling sa kanya. "Bakit ka nga pala nandito? E taga-ibang section ka. "
"Hmm. Bakit, ipinagbabawal ba ko sa lugar na 'to? " tukoy niya sa bayan na location ng shoot namin. "Pinuntahan ko lang si Randell dahil maglalaro kami ng Dota pagkatapos niyo mag-shoot. Tapos na ba kayo? "
"Oo. Kani-kanina pa. "
"Ah sige. Basta Kiyarah... "
Tinaas ko ang kilay ko bilang pahiwatig na naghihintay ako sa sasabihin niya.
"Basta... 'wag ka muna magpapaligaw at magb-boyfriend, ha? Bata ka pa. "
14 years old? Hmm... bata pa nga ako.
"Yes, Sir! Masusunod po. " sagot ko at sumaludo pa. Napangiti na lang siya ng bahagya at... pinat ang ulo ko. Umalis na rin siya pagkatapos kasama si Randell.
Kasabay nang pagkagulo ng buhok ko ay ang pagkagulo rin ng puso't isip ko.
Baaaakiiiit aaakoooo kiiiniiiliiig?
°¦Δ¦Δ¦Δ¦°
Note:
Ewan ko, ah. Pero bakit pati ako, parang kinikilig kay Tenecius? HAHAHAHAHA OMG HAHAHAHA 😂😍
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...