Mahal Din Kita

59 1 0
                                    

Mahal Din Kita

Paano ba sasabihin sayo?
Kung natotorpe't naduduwag ako
Natatakot lang siguro
Baka kasi may magbago

Ibang saya ang dulot mo
Masaya akong ika'y nakilala ko
Singtamis ng asukal ang pagmamahal mo
Sana magtagal kahit papaano

Hindi man perpekto ang tulang ito
Gaya ko na baka hindi bagay sayo
Di man swak para sa pag-amin sayo
Pasensya na itong paraan lang ang alam ko

Di man kasing ganda ng iba
Ako'y simple lang talaga
Sumusulat lang ng tula
Nais sabihing,  "Mahal din kita"






Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon