Sayo Lang

51 0 0
                                    

Sayo lang...

Unang stanza ng aking tula
Nais sabihing, Mahal na mahal kita
Kahit ulit-ulitin Sinta
Ako'y hindi magsasawa

Ikaw lang ang may kaya nito
Makapagpangiti kahit na malungkot na ako
Makapag-pasaya sa akin ng ganito
Sana'y di magsasawa sa mga tula ko

Paulit ulit lang ang mga katagang ito
Pero dito ako'y talagang seryoso
Nangungulila na rin sayo
Makausap ka buong araw ang tanging gusto

Sayo lang ako ganito
Sayo lang magmamahal ang tulad ko
Sayo lang ilalaan ang bawat oras
Sayo lang ako hanggang wakas

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon