Kabanata 2: Come With Me

78.8K 1.8K 302
                                    

|| Dessy Leondale's Point of View ||

Nagmumukmok pa rin ako sa kwarto ko habang hinihintay ang tawag ng mga pulis. Hindi ko na kasi nabalitaan ‘yung magnanakaw na kumuha ng pera ko! Tsk! Ang malas malas naman! Bwisit.

“Dessy!” Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Tim sa ibaba. Hays, nandito na naman s'ya.

Bumaba ako sa sofa para tignan s'ya. Nakatayo ito at bihis na bihin na naman. Malawak ang ngiti at parang mambubuwisit na naman ng gabi ko.

"Bakit hindi ka pa bihis?" Tanong n'ya nang makita n'ya ako pababa ng hagdanan.

Inirapan ko s'ya at hindi dumeretso sa kan'ya. Kinuwento ko na 'yung nangyari sa'kin kanina pero parang wala s'yang pakialam. Mas natuwa pa s'ya kasi karma ko raw 'yon dahil ayaw kong sumama sa kanila. Porke anak mayaman s'ya e parang wala ng halaga sa kan'ya ang pera. Tsk tsk, Tim.

"Hindi nga ako sasama 'di ba?" Bored kong sagot sa kan'ya.

Sayang 'yung peraaa. Nakakainis! Mabaog sana yung magnanakaw na 'yon. Hindi man lang nagshare, ang laki laki nung pera e, masyadong gahaman! Tsk, sumakit sana tiyan n'ya! Sinusumpa ko.

"Hindi nga pwedeng hindi ka sumama." Ikinalingon ko ang sinabi n'ya.

"Ewan ko sa'yo." Kumuha ako ng tubig sa ref at nilagyan ang basong hawak ko pero bago ko inumin 'yon, inagaw n'ya agad sakin at nilagok.

"Ano ba Timmary!" Naiinis kong bulyaw dito

Nginusuan n'ya ako at tinaasan ng kilay. "'Pag hindi ka sumama ngayong gabi, araw araw kitang bubwisitin! Sasama ka o iinisin kita?"

Pinanliitan ko ng tingin si Tim at pabagsak kong ibinaba sa lamesa ang basong hawak ko.

"Uuwi ka na o tatadyakan kita d'yan?" Tanong ko rin sa kan'ya. Hindi talaga titigil ang babaeng 'to hangga't walang kasama e. Tsk!

"Ako 'yung unang nagtanong kaya sagutin mo ko, madaya ka!" Sabat n'ya sa sinabi ko.

Napasapo ako sa mukha ko habang nakatingin sa kan'ya. "Ayoko ngang gumimik ngayong gabi! Wala rin akong pake kung kasama si Ken at hindi din sya ang dahilan kung bakit ayokong sumama." Konti na lang ibubuhos ko na sa kan'ya 'tong pitcher na nasa harapan namin.

"'Yun naman pala eh. Wala ka naman palang pake kung na'ndun si Ken, e bakit ayaw mong sumama? May nararamdaman talaga kong fishy dito e." Inikutan n'ya ako at sinundan ko ang tingin n'ya.

Nag-chin up ito at nag-cross arm pa, "Hmm Dessy, I dare you!" May pataas taas pa sya ng kilay habang sinasabi 'yon.

Inirapan ko na lang s'ya bilang sagot. Malala na talaga 'tong babaeng 'to.

"Ipakita mo sa'min na wala ka ng nararamdaman kay Ken, sa pamamagitan ng pagsama sa'kin. Kapag hindi ka sumama sasabihin ko kay Ken na mahal mo pa sya! Totoo naman diba? Affected ka pa rin—"

Hinampas ko ng malakas ang table. Umusok na naman ang tenga ko dahil sa pinagsasasabi ng babaeng 'to. Hindi rin matatapos ang usapang 'to hanggang hindi ako bumibigay. "Magbibihis lang ako!"

____

Ilang minuto lang akong nagbihis at bumaba na. Kinuha ko agad ang jacket ko sa sampayan at isinuot.

"Ano pang hinihintay mo d'yan, tara na!" Sabi ko sa kan'ya at nagpatiuna na ako sa paglalakad.

"Ba't gan'yan suot mo?" Mukhang disappointed na tanong ni Tim dahil kulang na lang, sakupin ng kunot n'yang noo ang kalahati ng mukha n'ya.

"Ano bang gusto mong suot ko? Buti nga may suot pa e." Iyamot kong tanong sa kan'ya.

Naka t-shirt at pants lang kasi ako pati naka sandals. Formal look din naman 'to. 'Di naman ako nakapambahay lang.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon