When Love Came

12 0 0
                                    

May 14,2014 3pm

 

Today was more hot than it should be. Plus their stomach growling.

 

"Nagugutom na ako!" napangiwi si Diorella sa sinabi ni Therese. Siya kasi ang may gawa.

 

"Kailangan nating magtiisWala na tayong madadaanan na tindahan.sabi naman ni Christian, habang nagda-drive. Plano kasi nila magroadtrip this summer. Pero nung 2nd week of May sila umalis sa siyudad dahil balak nila na hindi sila aalis pag hindi sila kumpleto.

 

Sina Charles, Darwin, Earl, Jann at Christian lang dapat ang magro-roadtrip pero dahil may mga girlfriend si Earl at Darwin sinama nila ito.

 

Ako naman sinama lang ako ni Charles. Malamang dahil best friend niya ako. Ano pa ba?

 

"Nilalamig ka ba?" tanong ni Charles sa akin. Sinuot niya sa akin yung jacket niya. At pinagsaklop ang mga palad namin.

 

Napansin niya siguro na nanigas na ako sa sobrang lakas ng aircon. Nahihiya naman ako na hinaan dahil itong katabi ko na si Crisselle ay init na init. Sabi naman sa akin ni Charles ganyan daw talaga yang girlfriend ni Darwin, buong bahay niya naka-aircon lagi. Saka lumaki ito sa ibang bansa kaya naninibago ito sa klima. Siya yung hinintay namin kaya 2nd week na kami umalis dahil galing New York.

 

Niyakap na rin niya ako. Lagi niyang ginagawa yun pagnilalamig ako since nung grade 3 kami. Wala naman akong hika pero naninigas ako hindi naman ako si lastik girl no. Ganun talaga ako dahil siguro sanay ako sa init hindi naman kasi ako nag-aircon sa bahay o kaya nagpapapawis ako. Nagagalaw ko naman katawan ko pero feeling ko para ako naging yelo. Sinabi ko na dati kay Charles na wag na niya akong yakapin na okay lang yung jacket. Pero he insist na yakapin ako. Magbebenefit naman daw kaming dalawa, ako maiinitan kahit papano habang siya napapatulog dahil ang lambot lambot ko daw. Di pa sinabi na mataba ako. Hmp.

 

Maya't maya ay humilig na si Charles sa kanang balikat ko. Lagi niyang ginagawa yun pag inaantok na siya.

 

Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha. Kung babae ito paniguradong sobrang ganda nito. Hindi naman mukhang babae itong si Charles may soft features lang talaga siya. Mai-insecure ka talaga pag nakita mo ang kissable lips, makinis na mukha, tantalizing eyes. Haay.

 

Nagpanggap akong nakaidlip nang magising ito. Matagal ko na pala itong tinititigan. Buti na lang at tulog ang iba habang si Jann at ako na lang ang natitirang gising.

 

Dahan-dahan naman niya inayos ang pagkakasandal ko. Ako naman ngayon ang nakasandal sa kanya habang nakayakap ang kaliwang kamay niya sa bewang ko. Naramdaman ko rin hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

 

Unti-unti na akong dinadalaw ng antok ng magsalita si Jann.

 

"Pare tsansing na yan ah! Hanggang tulog yung tao. Mapagsamantala ka!" sabay halakhak ni Jann.

 

"ShhhGagoBaka magising si Cars." 

 

 

"Eww! It's so maputik here."

 

"Tss. Arte-arte mokasi eh! Bakit ka pa nagheels eh alam monaman na puro bato at lubak-lubak ang daanan dito!"

 

Minulat ko ang mga mata ko. Tumigil na ang sasakyan sa harap ng malaking bahay. Kami na lang ni Charles ang natira sa loob ng sasakyan.

 

"Buti naman at gising ka na, Cars!" he smiled, showing his pearly white teeth.

 

Pinisil ni Charles ang ilong ko sabay sabi nang, "Pango."

 

Sinapak ko agad, ang gago kasi eh. Sinangga naman niya. Ang daya talaga.

 

Tumawa siya, nababaliw na naman yan, may toyo sa utak eh! Mabilis na Nilapit  niya ang mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako mga 4 inches siguro ang layo ng mukha niya. Seryoso niyang tinitigan ang mga mata ko. Napapikit ako nang unti-unting lumapit ang mukha niya. “Alam mo Cars you're beautiful.." he lifted my chin to face him. Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko,“..kaso mutain ka! Hahaha!"

 

"PAKYUKA! LECHE!" kinapa ko kung may muta ako. Wala naman! Niloloko lang ako ng gagong to!

 

Tinulak ko siya para makadaan ako. Kaya muntikan na siyang malaglag sa putikan. Buti na lang at naka-rubber shoes ako. Lalabhan ko na lang ito mamaya.

 

"ANO BA! SABI NANG PUT ME DOWN!"

 

"TAKTE NAMAN OH! BINUHAT NA NGA KITA PARA DI KA NA MAGTATALAK DIYAN! ILAGLAG KITA DIYAN SAPUTIKAN GUSTO MO?!" agad namang umiling si Therese at inirapan si Christian.

 

Sila pala yung nag-aaway kanina.

 

"Mag-ano ba silang dalawa?" tanong ko kay Charles sabay turo kina Christian at Therese.

 

Inabot niya sa akin mga gamit ko saka tiningnan yung dalawa. Buhat buhat pa rin ni Christian si Therese ng pang bagong kasal. Nakabusangot si Therese habang nakangisi si Christian. I smell something fishy here.

 

"Ah sila Tyano? Ewan pero sa tingin ko may gusto si Tyano kay Reese. Pabayaan mo sila ganyan talaga sila. Pasok na tayo kanina pa tayo tinatawag hinintay lang kitang magising."

 

 

Ewan ko kung bakit pero lumakas ang tibok ng puso ko. Kinikilig ang lola niyo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon