Bianca's POV
Naramdaman ko ang pananakit ng halos buo kong katawan nang magising ako. Nakatulog pala ako matapos ilabas si Baby.
Nadatnan ako ni Oshin na hirap sa pag-upo. Natuwa naman ako sa kanya nang lagyan niya ang likuran ko ng malambot na unan saka ako pinasandal. Medyo komportable nga ang pwesto ko ngayon.
"Kamusta pakiramdam mo?"tanong niya sa akin saka umupo sa kama kung saan ako nakaupo.
"Medyo masakit. Pero okay na naman."pilit kong ngiti dito.
"Atleast naman, naipanganak mo ng maayos ang gwapo mong baby."masaya niyang sabi.
"Pwede ko ba siyang makita?"
"Oo naman Beshy. Wait, tawagin ko ang nurse." Saglit itong lumabas para tawagin ang nurse.
"Pwede ba kaming pumasok?"narinig ko mula sa labas.
"Yes. Go ahead."si Oshin saka binuksan ang pinto. Doon ko nakita kung sino ang bisita ko. Si Stanley kasama si... Hyuna? Paano na si Beshy niyan?
Sandali kaming iniwan ni Beshy. Masaya ako dahil ngayon lang ulit kami nagkita ng mokong. "Long time no see."bati ko dito.
"Pwedeng payakap?"si Stanley. Tumango lang ako dito. Niyakap ako nito ng mahigpit. "Namiss kita sobra Daldal."
"'Wag masyadong mahigpit. Masakit pa."pabiro kong reklamo dito. Agad naman itong kumalas sa pagkakayakap sa akin. Natawa naman ako dito.
Maya-maya pa ay dumating si Beshy dala ang anak ko. Namangha ako nang makita ko ang anak ko. Hindi ko mapigilang mapaiyak.
"Beshy."masaya kong sabi dito.
"Pwede ko bang mabuhat ang baby ko?" Hindi ko na mapigilan ang pananabik sa anghel na binigay sa akin ni God.
Dahan-dahang ibinigay ni Oshin sa akin ang anak ko. Nang mahawakan at mabuhat ko na ito ay doon na sunud-sunod na umagos ang mga luha ko.
"Daldal, hindi bagay sayo ang magdrama."pagbibiro pa ni Stanley.
"Stanley naman oh. Masaya lang siguro ang kaibigan nyo."singit naman ni Hyuna.
"Nga pala. Oshin, dinalhan namin ng gatas at biscuit na pwedeng kainin ni Bianca."si Stanley.
"Ah, okay."si Oshin. Halata sa kanya ang pagkailang sa dalawa.
"Nag-abala pa kayo."nakangiti kong sabi.
"Syempre, kaibigan din kita. Namimiss na nga kitang asarin e."natatawang si Stanley.
"Naku, subukan mo lang. Paglaki-laki ni Calvin, siya na ang magtatanggol sa akin."pagbabanta ko dito.
"Nice name."si Hyuna.
"Yan na ba ang ipapangalan mo kay baby?"tanong ni Beshy sa akin.
"Oo. Isinunod ko sa pangalan ng ama niya."
"Really? Nasaan na nga pala ang Daddy niya?"si Hyuna. Natigilan ako sa tanong ni Hyuna. Maging sina Stanley ay natigilan rin. "Why? May nasabi ba akong masama?"
"Sige, mauna na kami ni Hyuna."paalam ni Stanley.
"S-salamat." Pilit kong nginitian ang dalawa.
"Ingat kayo."si Beshy.
"Shocks! Bakit walang preno ang bibig ng babaeng yun?"inis kong sabi.
"Hayaan mo na lang. Wala siguro pa siyang alam." Hindu ko maiwadan na hindi makaramdam ng awa sa sarili ko. Bakit nga ba naitanong pa ni Hyuna ang bagay na iyon?
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Fiction généraleWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...