•Narrative•
Pagkapasok ko pa lang ng school ay isang balita na agad ang bumungad sa'kin.
Nawala daw 'yong IPhone ni Tenecius.
My gosh. Ang mahal. Nakakapanghinayang.
Kung ako siguro ang nakawala ng gano'n, baka pinalayas na ako sa bahay namin. Joke! (pero some jokes are half meant)
Sakto naman noong Lunch Break ay nakita ko si Ten na kasama ang mga kaklase niya sa kabilang section. Nakita namin ang isa't isa at nagbatian.
"Kuya Ten, condolence. Nakikiramay ako sa pagkawala ng cellphone mo. " hindi ko talaga alam kung napagaan ba ng sinabi ko ang loob niya pero... BAKIT KO NGA BA SINABI 'YON? Medyo insensitive, ah.
Napakamot na lang siya ng batok at saka ngumiti ng bahagya.
So that means na... ok lang naman yata 'yong sinabi ko?
Weird kasi ng lumabas sa bibig ko. Seriously, condolence? Parang namatayan lang, ah.
Para makabawi, dumukot ako sa aking bulsa ng binaon kong Flat Tops.
"Oh Kuya Ten, chocolate. Pampagaan ng loob. " ani ko habang inaabot sa kanya ang chocolate.
Noong una ay ayaw niya pang tanggapin ito, kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang kamay niya at ako na ang naglagay ng Flat Tops doon.
"Ayieeee! Nagbabalik na ang KiTen! " biglang sabi ng epal na si Jeron na bigla na lang sumulpot out of nowhere. Hindi ko naman makakasama 'yan dahil hindi ko siya kaklase. Ganoon din naman kay Ten, hindi niya makakasama ang mokong dahil magkaiba din sila ng section.
Active na active talaga si Jeron pagdating sa "love team" namin ni Tenecius. Sana ganyan din siya kabibo pagdating sa Academic Performance, 'no?
Binuksan ni Tenecius ang isang chocolate at kinain. Pagkatapos ay nagsabi siya ng "Salamat" , nilagay ang balot ng Flat Tops sa bulsa at saka nagpaalam.
"Grabe, kasing-sweet ng Tambalang Kuting yung Flat Tops. Nilalanggam ako. " ani ni Jeron habang tumataas-taas pa ang dalawang kilay.
Abnormal talaga.
¦Δ¦Δ¦Δ¦Note:
So ayon, sa sobrang pagf-Fanboy ni Jeron, may ginawa siyang illustration or drawing na nagrerepresent daw ng KiTen.
Cute naman daw 'di ba? 'Di ba? 'Di baaaaaaaaaaaaaaaa?
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Novela JuvenilPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...