" SACRED HONEYMOON "
ONE YEAR LATER, [ BLACK TOWN GLADIUS ]
AYOOOOOOSSS!!!
Ring Announcer : At sa kanyang Comeback! Ang Nanalo!!!... Si Gravity Bomber!!!
" WHOOOOO!! AYOOOSS!!! "
" GALING MO TALAGA GRAVITY BOMBER!!! "
Nakakabinging Sigawan ang dumagundong sa Arena. Nang muli nanalo si Zoren sa Tournament.
Mayee : Oh yeaaah!!! Pera na naman!! Whoo-Hooo!!!
Anna Leah : Uwian na!!! May Nanalo naaa!!!
Romell : Tiba-Tiba na naman kayo ah.
Anna Leah : Wag mo kong Kausapin di tayo Bati.
Romell : Hala! Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa akin.. Isang Taon na ang nakakaraan ah.
Mayee : Paanong di magagalit Pag-gising namin! Wala ka na. Bumalik ka na pala dito!
Romell : Pasensya na kung natakot ako.
Anna Leah : Ewan ko sa'yo.
Mayee : Wag na kayong magkagulo dyan. Andyan na si Zoren!!!
Anna Leah : Zoren, Ano kumusta?
Zoren : Eto ayos lang..Hehe! Mas ok ngayon kumpara nung una kong Laban dito. Wala na ako gaanong Galos o mga natatamong Pinsala!
Anna Leah : Mabuti naman.. O magtubig ka muna.
Zoren : Yun! Salamat *Gluk! Gluk! Gluk! Gluk Gluk*
Hen. Caesar : Binabati kita,Zoren!
Zoren : Salamat!..Sayang di ka sumali ng Tournament.
Hen. Caesar : Hehehe. Hindi kami mahilig sa Pakikipaglaban maliban na lang kung Inaapi kami.
Zoren : Sabagay, Iba't ibang Kultura yan. Ginagalang ko ang Pasya mo.
Hen. Caesar : Maraming Salamat, Kaibigan.
Mayee : Ilang araw na lang Susunduin na tayo ni Mitsurugi dito.
Zoren : Oo nga eh. Seryoso, Ang dami kong natutunan dito at sa mga Paglalakbay natin.
Anna Leah : At Iba't ibang mga nilalang pa ang mga nakilala natin.
Mayee : Namangha talaga ako doon sa mga Unggoy na mga Nagsasalita. Nakaramdam ako bigla nang pagkasabik na makita sila ulit.
Zoren : Hindi malayong makita natin ulit sila. Mga Manlalakbay tayo eh.
Mayee : Siguro nga. Hihihi..
GABI...
Habang tulog na ang mga Lahat nang nasa Gladius ay gising naman si Anna Leah at nag-iisip at hindi makatulog.. Isang Pangyayari ang nagpaalala sa kanya.
KONG [ ONE DAY BEFORE GOING TO SEIJOU SEIYER ]
Harambe : Mahal na Rafa, Anong ginagawa mo sa Sagradong Lugar na ito?
Anna Leah : Ha? Uhhmm..
Harambe : Hm?
Anna Leah : Naisip ko lang.. Kung paano ko maisasakatuparan ang Pagbabalik ng Monkey King..
Harambe : Sa isang Sagradong Siping.. Pero dapat ay kagustuhan ng Dalawang Nilalang ang Siping na ito para magtagumpay ang Pagbabalik ng Mahal na San Wu. Sa Puso, Isip at sa Gawa.