Chapter 1

24 8 7
                                    

January 17,2018
    8:25 AM
Periodical Test

Leonita Jean Lerosa's POV

Dali-dali akong bumaba ng tricycle pagkatapos kong magbayad ng pamasahe, at tumakbo patungo sa gate. Napatigil ako saglit ng makita ng dalawa kong mata ang bandera ng Pilipinas.

Ibig sabihin, late na nga ako.Hays! First time kong ma late.At sa periodical test pa,ang galing ko naman. Clap clap clap

Pagpasok ko sa gate, tanaw na tanaw ko ang ilang mga classroom, pati rin ang mga estudyante na naka-upo ,at seryosong sinasagutan ang mga testpapers. Pati na rin ,sa section ko, ang Grade 10- Cariñosa

Bahala na sila Iron Man, Spiderman ,Superman at Batman, gabayan sana nila ako, na makapasok at makalabas sa classroom na buhay pa.

Gabayan niyo ko Lord.

Sumilip ako ng bahagya malapit sa bintana.

Putchang...

Ang layo nila sa isa't isa, two seats apart. Mukhang hindi ko magagamit sa ngayon ang cheating power ko.

"Leonita?"

Aypushang itim!

Nabigla ako sa kung sino ang nagsalita sa likod ko kaya natapon ko ang mga dala kong mga aklat.

Sino ba tong bigla biglang manggugulat, dahan dahan akong lumingon. Nakita ko lang naman si Barney, este isang lalaking panot, may malaking tiyan na parang may dinadalang bata, at dede. Wow, impressive.

Buti pa siya, meron. Habang yung crush ko wala.

Tinitigan niya ako na nakakunot ang noo, pati na rin ang makapal nitong kilay na parang magkakadikit na.Kaya tinitigan ko din siya. Anong problema nito?

"Bakit hindi kapa pumasok sa classroom mo iha? Kanina pa nagsimula ang test" sabi nito at tinaas ang isang kilay.

"Bakit? Sino kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Mr. Dubie Gutierrez, the principal of this school"

0_0
PATAY

Nabigla ako sa sinabi niya, siya pala ang principal namin. Bakit kasi ngayon ko lang siya ulit nakita.

Nasapo ko nalang ang ulo ko . At yumuko dahil sa kahihiyan.

"Hala! Sorry po. Sorry po sir. Na late po kasi ako ng gising"

Kinuha ko ang mga aklat na nahulog ko kanina.

"Sorry po talaga sir, hindi na mauulit" Sabi ko ulit sa kanya.

He just sighed at umiling.

"Sige, pumasok kana"

"Thank you po"

Isang malaking kahihiyan Leonita!

Dali-dali akong pumasok sa classroom. Nakita ko ang si Ma'am.
Direstsong nakatingin sa mga mata ko. Nakakatakot yung mata niya. Kaya umiwas ako, at yumuko.

"Good morning Ma'am ,sorry for being late Ma'am ---"

"Shut it, just find a sit,and start answering your testpaper, your 15 minutes late" ma awtoridad nitong sabi sakin.

"Okey po Ma'am" humanap agad ako ng upuan

Hays, salamat!

Binigyan ako ni Ma'am ng testpapers.Ang first subject ay

0_0

Math, my hatest subject.

At ang masama, hindi ako nakapagstudy dahil ang hirap intindihin yung mga formulas! Parang sasabog ang utak ko pag e mememorize ko siya. One to sixty pa naman ang lahat ng items. Sayang hindi ko naisulat sa isang papel yung formulas.

STORM IN OUR HEARTSWhere stories live. Discover now