*****The NERD's POV
Dumating ang Lunes na lutang pa rin ang aking kaisipan. Isa lang ang maglalarawan sa itsura ko ngayon; sabog.
I sighed.
Halos walang pumapasok sa utak ko tungkol sa mga pinagsasasabi ng teacher sa unahan dahil kung saan-saan nagwa-wander ang thoughts ko.
Ang dami ng nangyari at nagbago. Parang dati lang ay isa lang akong ordinaryong estudyanteng nais lumayo sa gulo at makatapos ng pag-aaral ng mapayapa. Pero simula n'ung... simula n'ung dumating sila sa buhay ko'y nagkanda-letse-letse na!
Tapos hindi ko rin namang inakalang titibok ang puso ko ng abnormal para lang sa isang tao.
"Jasmine! Anong 'tinutunganga mo diyan sa bintana?! Eyes on the front only!" Muntik na akong tamaan ng lumilipad na whiteboard eraser kung hindi lang mabilis ang reflexes ko at yumuko. Wew!
"Sorry, Ma'am!" Parang nahimigan ko pa ang pang-aasar sa boses n'ung Jasmine na nakaupo sa harapan ko, na sinamaan lang ni Ma'am Gramatika ng tingin. Nagpatuloy ulit ito sa pagtuturo.
Maya-maya ay may narinig akong mahinang kalabog na malapit sa harapan ko. Sapat lang para hindi marinig ni Ma'am sa harap. Napatingin ako doon at bumungad ang nagniningning na cellphone na nakabukas pa ang screen, tila kakagaling lang nito sa paggamit.
Yumuko ako at pinulot iyon...
Para lang magulat sa nakikita ko ngayon.
Si Arohi ba itong nasa wallpaper?!
"Relaira, akin na. Baka ma-confiscate ni Ma'am!" Nakangising bulong ni Jasmine sa akin. Wala sa sariling inabot ko ang cellphone sa kamay niyang nakalahad.
*****
The BRAT's POV
I still have her handkerchief.
Pinadaan ko ang hinlalaki ko sa nakaburdang pangalan sa hawak-hawak kong panyo.
Joaquinne...
Maybe I'll just return it to her if I see her.
Tumunog ang bell hudyat na lunch break na. Tumayo na ako at lumabas ng classroom namin.
Bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya imbis na pumuntang cafeteria ay dumiretso ako sa comfort room. Pagpasok ko doon ay walang tao, malamang ay nasa cafeteria lahat. Pumasok ako sa isang cubicle and did my business.
Paglabas ko ay sakto namang pagbungad sa akin ni Joaquinne na pakapa-kapa sa sink. Tinakpan ko ng isang kamay ang bibig ko upang pigilang matawa. Nasa sahig kasi 'yung eyeglasses niya.
Parang nangyari na ito dati, ah? She looks really cute, tho.
Walang ingay akong naglakad patungo sa direksyon ng eyeglasses at pinulot ito, at gamit ang isa kong kamay ay hinawakan ko sa pisngi si Joaquinne upang iharap ang mukha niya sa akin.
Her eyes, it's still the same. Mesmerizing.
"A-anong--" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at maingat na isinuot ang kanyang salamin sa mata.
Kumurap-kurap ito at biglang namula. I smiled and pinched her cheek.
"T-thank you, Cassie." Mahina niyang sambit at inipit ang baby hairs niya sa kanyang tainga.
Bigla ko namang naalala iyong panyo niya kaya naman kinapa ko iyon sa bulsa ko at inilabas iyon.
Nanlaki ang mga mata nito pagkakita ng panyo. "Bakit nasa iyo 'yan?" Gulat niyang tanong.
BINABASA MO ANG
The Bitch, The Brat, and Me
Teen FictionNobody lang naman si Relaira sa Regona High noon. Bagama't madalas ma-bully, normal lang naman ang buhay ng nerd sa loob ng eskwelahan. Pangarap niyang makapagtapos sila ng kapatid niyang si Joana nang walang problema. Kaya nga hangga't maaari ay lu...