This is it.
RINNE
"Ano ready ka na?" tanong sakin ni Katsumi
"Siguro.. baka.. pwede..?"
"Oh ayan ka nanaman sa pagka fangirl mo! Eh linya yan galig sa pelikula nila yan ah! Bawas-bawasan mo nga ang feelings mong yan at baka ma fail mo pa ang misyon mo eh!" anghel talaga kung magsalita 'tong si Lester huhu
"Oo na, oo na.. sorry poooo" sabi ko at umarteng ala Chichay. Isang karakter na ginampanan ni Kathryn sa nakaraan nilang serye na Got to Believe.
"Aba't kasasabi ko lang—"
"Haha biro lang! Eto seryoso na sorry" sabay peace sign ko. Ang cute ko talaga hahaha
"Ano Rinne? Handa ka na?" tanong muli ni angel Katsumi
"Hmm opo.. ready na" Gosh eto na talaga! Lord, please guide and help me. Sana tanggapin niyo ako sa kaharian niyo. Salamat po!
"Oh, lika dito Rinne.. pumwesto ka na" utos ni angel Lester
Pumwesto naman ako agad...
May ginawang kung ano nanaman si Katsumi sa kamay niya
And everything went white...
'Everything went black' is too mainstream eh! At tsaka white naman talaga! Malamang nasa heaven kami noh! And I will accomplish this mission and magiging angel rin ak—
"ARAAAAY" ang sakit ng bagsak kong yun ah! Di ko yun ine-expect! Napahawak ako sa puwetan ko. Grabe naman 'tong misyon na 'to! Pahirapan agad!
Tumingin-tingin ako sa paligid. Nasa mundo na pala ako ng mga tao. This is it. I'm back.
And they're so busy with stuffs! Ang daming lights! Heaven din ba 'to? Charot lang. Nang makakita ako ng mga taong nakasuot ng headset with microphone sa tenga nila, ang iba nama'y nakasabit lang sa leeg nila, alam ko nang nasa siang production set kami.
Dahan-dahan akong tumayo dala na rin ng sakit ng likod ko. Grabe ang sakit talaga ha! Multo ba talaga ako? Pati rin pala mga multo nasasaktan? Luh nagawa mo pa talagang humugot Rinne ha? Focus na tayo sa misyon. Focus!
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko si Lester, and guess what? Lumilipad! Psh pasalamat siya at may pakpak siya! Magkakaroon din ako niyan! Kairita tss...
Multo daw ako, so hindi nila nakita yung pagkabagsak ko? Mukha naman kasi wala namang nakatingin sakin. Buti nalang kung ganoon! Kakahiya kaya my goodness!
At dahil diyan may naisip ako. Hmmm... ma try nga.
May lalake'ng papunta dito sa banda ko at may dala-dalang camera. Kung sineswerte nga naman at huminto siya sa harap ko! HAHAHA
Pumunta ako sa harap niya pero siya walang pakialam at patuloy na may ginawang kung ano sa camera niya.
Medyo nilapit ko ang mukha ko sa kanya at...
"HOOOOOOY! HAHAHAHAA asdfgnsdgcjsbcsd bleeeeeh! Bleh! Bleh! *pouts* tongues out**make face* jdgcwjdbckwehkddschj bleeeeh! Wahaha hooy! Waaa lololoolo awooo—"
"Hoy! Ano yang ginagawa mo?!" Nagulat ako nang biglang may nagsalita.
Tumingin ako sa paligid.. wala naman ah? Siguro di ako ang tinutukoy nun. Pinag patuloy ko nalang ang ginagawa ko kay manong na may camera. Nakakatuwa naman pala neto! Invisible lang!"Hoy Rinne! 'pag nalaman 'to ni Katsumi, hindi ka talaga magiging anghel!"
T-teka?! May nakakakilala sa akin? Naku naman nagsisimula palang ako may tao nang nakakakita sa akin. Omg lagot ako neto! But wait, kilala niya ako? Ba't parang pamilyar ang boses niya?
Dahan-dahan akong tumingala at boom! Tama nga ang hinala ko. Si Lester pala. Napabuntong hininga nalang ako at inirapan siya.
"Sus! Akala ko kung sino! Bumaba ka nga diyan! Psh.. porke may pakpak ka lang..." sabay yuko ng ulo ko.
"Oh eto na po" at bumaba na si Lester at nawala yung pakpak niya.
"Wow! Nokokontrol din pala yung pakpak? Kung ipapakita mo man o hindi?" amazed na amazed kong sabi.
"Kaya galingan mo ha para magkaroon ka na rin nito" sabay smile niya at tinap niya ang ulo ko.
Parang may iba ngayon kay Lester ah? Iba siya kapag nakangiti. Ganyan sana siya palagi! Mas mukha siyang anghel! Parang natunaw yung puso ko sa tingin niyang ganyan. Parang may namiss ako bigla, pero hindi ko alam kung ano.
"Ang cute mo naman! Pwede ba kitang tawaging kuya? Eh kasi hindi ko alam kung may kuya ako noong nabubuhay pa ako..." nakaramdam ako ng kalungkutan bigla.
"At sinong may sabing hindi?" napangiti naman ako sa sinabi niya.
Okay rin naman pala si Lester. Akala ko masungit pero may tinatago rin naman pala."Yeeey! Salamat kuya Les!" Bati ko sabay yakap sa kanya.
"Les?" Tanong niya.
"Les." Sagot ko naman. Medyo naguguluhan.
Binalot kami sandali ng katahimikan. Hindi ko siya gets at mukha g hindi rin niya ako gets.
"Uhmm short for Lester? Les. Hihi" tawa kong pa cute
"Ahh.. ikaw talaga ang dami mong alam! Haha" tawa niya sabay akbay saakin.
Habang nagtatawanan kami, may biglang sumulpot sa harap namin
...demons
"Ang saya natin ah! Anong meron?" lumapit sa amin yung isang demonyo na naalala kong si Dominic ata ito at aakmang aakbayan si Lester pero mukhang napaso ito.
Hindi pala sila makalapit sa amin.. good thing then.
"Oops. Nakalimutan ko" at nag evil smile siya.
MGA EVIL TALAGA!
"Wala ka bang balak ipakilala sa amin yang bago mong recruit, Lester?" sabi naman nung Seth ba yun? Oo tama, Seth nga pangalan niya.
"Magsitigil nga kayo kung ayaw niyo—" banta ni kuya Lester.
"Woah chill" at nag smirk pa! "Andito na pala mga alaga namin. So pano? See you again, soon?" may pa chill chill pa talagang nalalaman tong si Seth ah? Kung di ako anghel, psh inupakan ko na yan eh!
Pero biro lang. Good girl yata 'to!
Nawala naman bigla ang mga demonyo.
"Wag kang masyadong lumapit sa mga yun. Pwede nilang lasunin at baguhin yang iniisip mo anytime! At sa ngayon, makakalapit sila sayo kasi wala kapang nakukuhang reward. Kaya mag ingat ka palagi ah? Dahil kahit anong mangyari, magtatagpo at magtatagpo pa rin ang mga landas niyo" Lester.
Tss... gagalingan ko talaga para makuha ko na ang reward ko!
At hindi lang yun, para din ito sa ikabubuti ng KathNiel. At ng mga fans, ang KathNiels. Siyempre para din sa sarili ko.
Promise ko yan.
"Ano? Handa ka na?" tanong ni kuya Les
"Yes. This is it.. this is really is it!"
"Your day one starts... now."
Oh yeah. Bring it on!
BINABASA MO ANG
My Fangirl Is A Ghost?! (KathNiel)
Fiksi PenggemarOo sikat kami, maraming nahuhumaling sa aking kagandahan at sa kanyang kagwapohan. Gagawin ng fans namin ang lahat maging updated lang sa mga ginagawa namin mapa off cam man or on cam. Ang iba gusto magkaroon ng super powers, specifically: to be Inv...