Lahat ng mga mahal ko sa buhay wala na.
"Paano nako ngayon?
Pano ako magsisimula?
Saan ako pupunta?
Wala akong pera." mangiyak-ngiyak na sabi ko.Nandito ako ngayon sa puntod ng dalawang mahahalagang tao sa buhay ko.
Nagpaalam na'ko sa kanila at umalis.Habang naglalakad ako sa gitna ng kalsada may nakita akong isang pirasong papel. Pinulot ko ito at nang bubuksan ko na sana ito ay bigla nalng bumusina ang sasakyan papunta sa direksyon ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Kinakabahan ako.
Katapusan ko na ba?
Susunod na ba---"MISS MAGPAPAKAMATAY KA BA?!". sigaw sakin ng mamang tumulak sakin kanina. Pareho kami na naka upo ngayon sa gilid ng kalsada.
Hindi ko makita ang mukha ng lalaking kasama ko."Hoy miss, may balak ka bang magpakamatay?". tanong nya sakin at halos matulala ako sa mukha nya. Ang gwapo. Naka-bonet siya at head-phone. At kulay puti ang kanyang t-shirt.
"Ayy sorry kuya, salamat nga pala sa pagligtas sakin." ngiting sabi ko.
"Nako dapat lang na magpasalamat ka. Maswerte ka at ayoko ng makita ng patay ngayong araw na'to kaya kita niligtas." sagot niya at bigla na lang tumayo at umalis.
Tumayo na din ako at pinagpag ang damit ko. May nahulog na papel. Yun pala yung papel na nakita ko kanina sa gitna ng kalsada.
Binuklat ko ito.
Isa ito sulat.Mahal,
Sorry mahal ngayon ang alis namin, pasensya na kung di nako nagpaalam. Baka kasi hindi ako maka alis ehh. Mahal 3 years lang naman ako dun. Hintayin moko ahh? Magpapakasal pa tayo. At wag kang mambabae dyan ahh.
Mahal na mahal kita. I love you. ❤❤❤-Kate
Nako, kawawa nmn yung lalake, iniwan siya dito. LDR, hindi uso yan ngayon. Magbe-break din nmn kayo.
Bitter? So? Nasaktan ako ehh. Mahabang storya. At ayoko na yun balikan. Nabu-bwesit ako.Nagpatuloy nako sa paglalakad. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang hindi isipin yung lalake kanina. Sayang diko nalaman yung pangalan.
Bahala na nga siya.Sigurado naman ako na hindi na kami magkikita.
---
~VanessaNaglalakad ako ngayon sa palengke, sa paglalakad ko may nakita akong isang babae na nabibigatan sa kanyang dinadalang gamit, at dahil mabuti akong bata. Ay pumunta ako roon at tinulungan siya.
"Ang bait mo naman iha, salamat hah. Ang bigat-bigat kasi talaga ehh."papuri niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Wala pong anuman nay," sagot ko.
Napatulala ang babae ng dahil sa sinabi ko.
May mali ba sa sinabi ko?"Okay lang po ba kayo nay?" tanong ko sa kanya.
"Ahh oo iha, naaalala ko lang ang anak ko. Siya lang kasi ang tumatawag sakin ng nanay ehh. Kaya lang wala na siya." malungkot na sabi niya.
Binuhat ko na ang mga gamit niya. Una siyang naglalakad sakin, habang ako ay nakasunod lamang sakanya.
San kaya siya nakatira?
Mayaman kaya sila? Hindi naman siguro dahil hindi to pupunta sa palengke ng magiisa kung siya ay mayaman. Pero sana may kaya to. Para naman ipakain ako ng dahil sa pagtulong sakanya.
Haysst ang sama ko ba?
Ehh sa nagugutom nako ehh.Huminto kami sa isang marangyang gate na kulay itim.
Ito kaya yung bahay niya.May kinuha siya sa bulsa at yun ay yung susi. So sakanya pala to.
Wow mayaman ahh."Pasok ka iha." Sabi sakin ng babae. At pumasok na sa maliit na gate.
Sumunod na lamang ako sa kanya.
Pumasok nako sa maliit na gate.
At halos mahulog ang panga ko sa pagka mangha. Ang ganda ng bahay, may pool, may garden at may fountain naman sa kabila. Grabe, sino kaya ang kasama niya."Iha, ako lang mag isa dito. Nga pala san ang mga magulang mo? Hindi kaba hahanapin sa inyo?" tanong niya sakin.
"Ahh wala na po akong magulang. At wala po akong tinitirhang bahay. Naghahanap ho sana ako ng trabaho. Pwede ho bang dito nalang po sa inyo. Kaya ko pong gumawa ng gawaing bahay." mahabang paliwanag ko.
Naka pasok na kami sa bahay niya. Ang ganda talaga.
Umupo siya sa sofa at bahagyang ngumiti."Upo ka iha." Sabi niya na hindi parin nawawala ang ngiti sa labi.
Sumunod nalang ako."Wala ho ba kayong maid dito? Kayo lang po mag isa, ang laki ho ng bahay niyo. Kayo lang po yung naglilinis?"tanong ko sakanya.
Tumawa lang siya ng mahina."Day-off nila pag linggo. Pumupunta sila sa mga pamilya nila." sagot niya.
"Kain ka muna iha." pag-aya niya.
Tumango nalang ako. At sumunod sa kanya sa dining room.
Ang haba ng mesa at glass ito. Maraming mga pagkain na nakahanda dito."Kain ka na iha. Pagkatapos mo, may pag uusapan tayo." sabi niya at dumeretso sa taas.
Ano naman kaya yun?
~Vanessa
Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako sa sofa kung san nandon yung babae.
Umupo nako don sa kabilang sofa na nakaharap sa kanya.
"Iha, ako nga pala si Cassandra Cortez. Namatay ang ang asawa at anak ko sa sunog. Ikaw, anong pangalan mo iha?" tanong niya ng masinsinan.
"Vanessa Ferrer po." sagot ko sakamya.
"Ilang taon ka na iha?" tanong niya.
"16 po nay." sagot ko na lng.
"Alam mo ang gaan-gaan ng loob ko sa tuwing tinatawag moko na nanay."naka ngiti niyang sabi sakin.
"Pano nga pala namatay ang mga magulang mo iha?" pahabol niyang tanong.
"Sa isang sunog din po nay." malungkot kong sagot.
"Iha, hindi nako magpaligoy-ligoy pa. Gusto kitang ampunin iha, kung gusto mo lang. Ang tagal ko ng nangulila sa anak. At napansin ko namn na mabuti kang bata. Ano sa tingin mo iha?" tanong niya sakin. Halos kumislap ang aking mga mata sa aking narinig.
Ma, pa salamat talaga at kahit sa kabilang buhay na kayo, hindi niyo parin ako pinapabayaan."Ho? Opo naman. Nako salamat po talaga. Thank you po nay," nakangiting sagot ko. At niyakap ko siya ng mahigpit.
Yumakap siya pabalik at sinabing,
"Walang anuman anak." hindi ko man makita ang mukha niya. Alam kong ubod yun ng saya.
Hay ang sarap sa pakiramdam may pangalawang nanay nako.Ang swerte ko dahil may nakilala pakong mabuting tao na kukupkupin ako.
Ang bait niya. Ngayon nga lang niya ko nakilala pero pinagkatiwalaan na niya agad ako. At laking pasasalamat ko dahil siya ang kumupkop sakin.
BINABASA MO ANG
My New Year's HERO
Teen FictionMy New Year's HERO Written by: AngelBeatrix This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and incident are product of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual event, places or person, living...