Denis Choi
Ilang araw na ang nakaraan simula ng mangyare yung "incident" alam ko lasing si Clareng noon kaya hindi ko na din pinaalala. Andito kame ngayon sa QC kamuning may photo shoot kase, by the way did I ever told you na isa akong Fashion designer? Well, maybe not. Dahil hindi naman ako Fashion Designer he he andito kame para samahan yung kaibigan namin na si FATIMA LOPEZ isa kase siya Photographer. Ba! Win win moment to! Ang gugwapo at ang ha hot ng mga models. Kung ang tingin ay nakakatunaw nako baka nalunod na kame dito.
"Fat! Break muna tayo." Sinabi nung isang model, Carlo ata ang pangalan.
"Sige isang shot nalang." Ngumiti naman siya.
Omaygoodness! Yumminess everywhere. Nung nag break na sila lumapit ako kay Fatima.
"Fatima!" Habang winawagay way yung plastic ng pagkaen na dala ko. Lumingon naman siya at ngumit. Pag tingin ko sa tabe ko wala si Claire. Nasan na kaya yun? Napansin ko siyang nakatayo sa may pinto ng cr at may kausap na lalake, yung Carlo ata hindi ko mamukaan kase nakatalikod (pero kahit naman nakaharap baka hindi ko pa din mamunakaan you know naman kung san ako madalas nakatingin habang nag pictorial) hay nako bahala siyang maubusan. Tss.
"Hoy pogi! Haha ano yan?" Masayang bati saakin ni Fatima.
"Nag dala ako ng Foods, ipabugbog muna ako dun? Love you!" Mahina kong sinabe habang tinuturo yung nguso ko sa isang fafa.
Si Fatima lang naman ang second bestfriend ko. Kahil kailan talaga i envy her work. Grabe kung araw araw ganito pala makikita ko aba! Edi sana nag magazine photographer nalang ako at hindi nagcall center! (Ok in case you're wondering isa akong magandang drop out. Last year na sana namin ni Claire ng College, you know business ad and everything! Kaso nag kanda leche lecheflan ang buhay ng pamilya ko at nabaon kame sa utang, kaya ayun nag decide ako na mag apply sa call center at thank God natanggap ako last week! Hindi naman ako totally nag give up na sa pagaaral, siguro hindi muna ngayon kelan ako nila mama e.)
".....burger at fries" sinabe ni Fatima.
"Ha? Ano? Para ka kaseng mauubusan, uso kaya yung don't talk when your mouth is full try mo ng magkaintindihan tayo." Akala mo patay gutom grabe! Pagkaimberna ko, pano lagi nalang kame nag aaway sa pagiging lacking of table manners ng babaeng eto!
"Sorry pooooooooo! Ang sabe ko SALAMAT SA BURGER AT FRIES!" Pasigaw niyang balik saken sabay irap.
"Tss. Tirhan mo yung isa." nasan na ba yung babaitang yun? Pero pag lingon ko sa may pinto ng cr wala siya, ini scan ko yung buong paligid pero wala siya at dun ko narealize na INIWAN AKO NG BRUHANG YUN! Tinawagan ko naman siya bigla pag ka tatlong ring palang may sumagot na
"H-hell--"
"HOY ASAN KANG BABAE KA? JUSKO PAANO AKO UUWI NETO GRABE KA NAMAN CLARENG WALA AKONG PERA, W A L A A K O N G P E R A! Nakakaimbyerna ka u know?" Sabat kong bigla.
"Chill! Babalik ako mamaya sorry hindi ako nakapag paalam, tumawag yung kapatid ni Nicole e." Narinig ko siyang tumatawa pero nung nabanggit niya ang pangalang Nicole biglang naging seryoso ang boses niya kaya pinag pasensyahan ko nalang siya, ngayun lang to! Dahil alam kong may emergency.
"Osige, mag ingat ka! Wag mo na akong balikan kay Fat nalang ako sasabay. Pag may kailangan ka txt mo agad ako. Ok?" Sinabe ko sa mahinhin na boses.
" yes po tay!" Narinig ko siyang tumawa. "Sige na!"
"Hoy Fatima sayo na ako sasabay ha? Iuwi mo ko ng buhay kundi mata lang ang mawawalan ng latay sayo." Sinabe ko sakanya, duh kahit ayoko kelangan! Napaka wreckless driver kaya ng isang to!
"Nasan si Claire?"
"Andun sa mukang clown niya Girlfriend, este EX girlfriend!" Enemphasize ko talaga yung salitang ex.
"Ah sige! Ako bahala sayo!" Sabay bigay ng isang pamatay na wink.
Si Fatima mataba. Alam nyo ba yung mala dabyana? Hindi ganun. Yung katamtaman lang may curves naman pero mataba talaga, yung tipong masarap yakapin like a teddy bear na giant size mga ganun. Natatawa ako sa mga iniisip ko ng bigla naman ako binigyan ng worried look ni Fatima.
"Hoy! Anong nangyare? Ha? Nag de daydream ka bang bakla ka?"
"Iw yuck! Mag de daydream pa ako kung mas maganda ang reality kesa sa panaginip." Sabay turo sa mga lalaking naka suit and tie.
"Landi mong bruha ka. Dapat hindi nalang kita niyaya e. Hinahalay mo mga models ko."
"Halay agad? Hindi ba pwedeng hinuhubaran lang sa isip ko?"
"Hahaha. Bastos mo talaga!" Tawa siya ng tawa habang sinusuntok ang braso ko.
"Hoy hindi! Iniisip ko lang kung gaano ka cute pag nakaipit ka para kang piggy bear, ay este Teddy bear na giant size!"
"Ang sweet sweet mo talaga!" Sabay kurot sa pisngi ko.
"At isa pa hindi na ako interested sa mga yan. Loyal to no!" Sabay turo sa puso ko. Tunay naman loyal ako kay Sam.
"Anong loyal loyal, kung wala naman kayong relasyon." Sabay irap.
"Ahhh! You're hurting my feelings na ha?! Medyo below the belt ka na." Sabay arteng nasaktan ako.
"Hindi bagay Choi!" Sabay tawa ng malakas!
"Hmpf! Nakakaasar ka na ha!" Oo sensitive ako pag si Sam pinaguusapan.
"Oy teka 1 hour nalang tas uwi na tayo." Sabay alis.
--
"Hoy guys! Game na ng maka pack up na tayo!"
After 2 hours natapos din sila! One hour pala ha! Itong babaeng to grabe!
"Sorry na kase Chorita!"
"One hour kapa! Kundi ko lang naiwan wallet ko kala Claire kanina pa kita winalk outan."
"Sus ikaw na nga tong nakikisuyo ikaw pa may ganang magalet! Wow just wow! And Plus! Alam ko nag enjoy ka dun! Duuuuh chinecheck kaya kita kumikinang pa mga mata mo habang nanunuod! Jusko!" Hindi paren ako nag sasalita.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako giniseng nalang ako ni Fat nung nasa bahay na kame.
"Hoy Chorita we're hereee!"
"Ay butiki! Grabe ka naman pwede naman medyo may konting lambing pag giseng." Bigla akong naalimpungatan. Lumabas na kame ni Fatima ng kotse at pumasok sa bahay namin.
"Hoy bat ka papasok?" Pag pigil ko sakanya.
"Pawiwi? Pwede?"
"Sige gora! Tas lumayas ka na ha! Salamat nga pala."
Pag pasok namin hindi naman siya umihi.
"Maderrrrrr!" Sigaw niya ng makita niya si mama. Close talaga silang dalawa.
"Oy Fat. Andito ka pala, kumain na ba kayo?"
"Hindi pa nga po e." Aba'y walanghiyang babae to sinabeng lumayas na e.
"Hala e itlog lang naluto ko."
"Okey lang po mader."
"O kamusta ka naman hija?"
"Ayus namn po, napapagod lang sa work." aba itong dalawang to parang wala ako.
"Hi ma!" Sabat ko sa usapan nila.
"Denis mag handa ka na dun." Wow just wow ang sweet ano po?
Habang nag dadaldalan sila pumunta ako ng kitchen at nag handa pag katapos tinext ko si claire kung kamusta na pero hindi siya nag reply pinabayaan ko na kase baka natutulong na yun. Pag alis ni Fatima natulog naren ako.
************
A/N:
Hindi ko na proofread ang chapter so excuse my mistake.
BINABASA MO ANG
Boy Girl Bakla Tomboy (slow update)
RomanceKapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito...