*Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa*
Tsk... Tsk ... Sabi na nga ba eh!! *grin*
"Huli ka Hiro! Ano nanaman yan huh? Kung gusto mong picturan ang cute looks ko, pwede ka namang magpaalam eh. Hindi yung para ka dyang stalker."
Si HIROMI DOZA, yan you got it right, kapatid siya ni Amia. Schoolmate ko din siya. Hindi sila kambal ni Amia pero pareho ko silang kabatch at sabay-sabay kami ngayong grumaduate.
Mas matanda lang ng 10 months si Hiro kay Amia. By the way andito nga pala kami sa may parking lot ng school.
Medyo may kalakihan kasi yung mismong ground tapos maganda din yung view kaya andito kami ngpipicturan. Tapos na kasi yung mismong ceremony sa loob ng auditorium. Hinihintay na lang namin yung sundo.
"Aray ko naman!! Hoy bitawan mo na yung tenga ko!! Amazona ka talaga"
ay nakalimutan ko. Hawak ko pa nga pala yung tenga ni Hiro.
"eh bakit ka naman kasi nagpipicture jan ng walang paalam huh?"
Itong si Hiromi at Hiramia. Sounds japanese noh? Parang pang anime... Pero...
Hindi sila half breed...half breed...... Wow parang pang dalmasian lang huh? Aso? Si hiro pwede pa eh si Amia. Sa cute nang bestfriend kong yan.
Mahilig lang talaga sina Tita Emy sa anime. Adik na nanay noh... Actually ganun din si mama e. And so fortunate 2years na akong cosplayer pero medyo hindi ko na nga napapagtuunan pa ng pansin yun e.
Whahaha astig noh? Bait ko kasi eh..
Balik tayo kina Hiro at Amia. Sa totoo lang bagay naman sa kanila yung names nila eh... Cute kasi si Amia parang bata...
How about Hiro? Che! Nevermind na lang sa kanya!! Hahaha.
Si Amia kasi kulot, pero yung dulo lang ng buhok niya... Ang cute nga nung pagkakakulot eh, pero take note natural yun. Tapos may bangs siya sa harap. Idagdag mo yung malalaking itim ng mata niya lalo tuloy siyang nagmukang cute na cute na manika.
Schoolmate ko sila ni Hiro since elementary pero never ko pa sila naging classmate. Pero since elementary bestfriend ko na talaga yang si Amia.
Si Hiro naman???
Ahmm....*cricket sound krung krung krung* (a.n:tama ba yung sound ng crickets :D)
hahaha wala akong masabi. Panget siya!! Suuuper!! Muka siyang kingkong!! As in.,
Itsura niya?'? Ahm, bagsak ang buhok, parang pang vaseline(oh di ba model ng shampoo)
kaso madalas niyang nilalagyan ng wax, pinapataas niya na parang kay Eugene ng ghost fighter, pero kapag nabasa, bumabaksak uli. Medyo hindi naman ganun kataba o payat, sapat lang.
Higit sa lahat.....
"Hoy ang kapal ng muka mo!! Wag ka ngang mag-ilusyon!! Para kasing gusto mo ng lunukin ng buo yung bote ng juice na gawa ni mama eh."-Hiro
"ABA'T ANUNG SABI MO?? PAKI-ULIT NGA?? (~~.)"- aKO
"Saka muka ka nanaman kasing dinosaur.. Sayang naman kasi yung pagkakataon na makuhanan ng litrato ang isang extinct na dapat na uri ng DINOSAUR noh! Whahaha
lalo pa't nasa ikalawang milenyo na tayo" sabay dila pa ng kumag.
At higit sa lahat..... MAYABANG..... MAPANLAIT........ MAYABANG ...... MAPANLAIT at!!!!
SOBRANG FEELING POGI!!! Aishshhh....
Nakakainis siya, akala mo kung sino. Nagtataka talaga ako paano sila naging magkapatid ni Amia. Kahit naman minsan makulit at isip bata si Amia eh mabait, sweet at maaalalahanin siya nuh.