Rebound

876 23 15
                                    

Hi baby cole! Nagawa ko na siya. Hihihi! Sorry kung natagalan, hindi kasi ako makaisip ng plot. Sana magustuhan mo siya baby! Muuaaahhh! 

"There's no need to rush. If something is meant to be, it will happen, in the right time, with right person, for the best reason."

"Anong sinabi mo? Pakiulit nga at baka nabingi ako." napairap na lang ako pero sinunod ko rin naman

"Ang sabi ko pumayag ako na maging rebound ni Evo- ARAY!" napahawak ako sa ulo ko ng bigla niya akong binatukan. Not to mention talagang tinodo niya. May galit ata sakin. Ramdam ko eh.

"Bakit mo ako binatukan?" simple pero madiin kong tanong habang nakatingin sakanya na sobrang sama. Nakipagtitigan muna siya sakin saka nagsalita

"Baka sakaling maalog at tumino yang napakatalino mong utak. And please insert a lot of sarcasm in the word NAPAKATALINO!!" sabay irap sakin. Magsasalita na sana ako ng magsalita nanaman siya

"Ano bang iniisip mo? Nababaliw ka na ba talaga? Oo, alam kong crush mo siya at nalungkot ka nung nakita mo kung paano siya umiyak nung iwan siya nung babae pero utang na loob naman Nicole!! Bakit ka pumayag na maging..... argh! Bakit ka pumayag na maging rebound?" hindi ko sinalubong ang tingin niya at tumingala na lang ako para hangaan ang mga ulap

"Ayoko siya makitang ganoon Ellaine. Masakit sakin na makita ang taong importante sakin na ganoon ganoon na lang saktan ng isang tao. Masakit sakin na makita siyang binabalewala. Masakit iyon kaya gusto ko siyang iligtas dahil iyon lang ang nakikita kong paraan para mabuo ulit siya." sabay tulo ng luha sa kaliwang mata. Ngumiti ako bago punasan ang luha saka tiningnan si Ellaine na nasa tabi ko habang pinupunasan ang luha na pumatak mula sa mga mata niya. Tiningnan niya ako saka ngumiti ng malungkot

"At sa tingin mo Nicole hindi ka importante sa akin?" nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. Halos apat na taon na kaming magkaibigan tapos ngayon itatanong niya sa akin yan? Nagpapatawa ba siya?

"Ellaine, ano bang sinasabi mo?" irita kong tanong

"Yun naman pala eh. Alam kong alam mong importante ka sakin pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ka ganyan? Alam mo naman pa lang masakit makita ang taong importante sayo na nasasaktan pero bakit mo ito ginagawa? Sa tingin mo ba masaya ako na paglalaruan niya ang nararamdaman mo? Sa tingin mo ba magiging masaya ako makita kang pinapatay ang sarili mo habang binubuo mo siya?" hindi ako sumagot dahil pinangunahan na ako ng mga luha. Alam kong mali para sa iba ang desisyon ko na pumayag pero mas alam kong magiging mali ang desisyon ko kung makikita ko siyang nasasaktan na wala man lang akong ginagawa. Niyakap ko na lang si Ellaine at sabay kaming tahimik na umiyak. 

"Evo! Goodmorning!" bati ko habang hinahabol siya ng lakad. Humarap siya sakin atsaka tumigil kaya naman naabutan ko siya. 

"Morning" simple niyang bati at hindi man lang ngumiti pero ngumiti parin ako. Unang araw pa lang kaya alam kong medyo malayo pa ang lalakbayin namin. Inaya ko na siya na sabay na kaming maglakad papasok sa school. Kinukwentuhan ko siya ng kung ano-ano pero hindi naman siya sumasagot. Nakita kong may inayos siya sa tenga niya pero hindi ko narin pinansin at nagkwento parin ako.

"Evo, kahit anong mangyari hindi kita iiwan kasi hindi lang naman kita basta crush eh. Mahal na kita! Ikaw pa ba? Gwapo, sikat, matalino at alam kong mabait ka kasi... kasi mahal kita! Tandaan mo, ako ang huling tao na iiwan sayo kahit na pagtabuyan mo na. Lalayo lang ako pero hinding-hindi kita iiwan. PROMISE!" nakangiti kong sabi habang nakataas ang kanan na kamay pero hindi niya parin ako hinarap kaya napabuntong-hininga na lang ako saka may naalala

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon