Chapter 4

33 3 0
                                    

"Congrats and welcome to the family guys!!" masayang bati ni Daddy.

Dumating din si daddy para sa signing at personal na makilala ang The Heart Rocker team. Pagkatapos makapagsign ng contract ay nagpahanda si daddy ng konting salu-salo para iwelcome ang banda.

"Cheers for the upcoming success of the band!" itinias ni daddy ang kanyang baso.

"Cheers!!!" itinaas ng buong team ang kanya-kanyang baso.

Nagpaalam na rin si daddy sa lahat dahil pupunta pa eto ng airport with my mom dahil may aasikasuhin na business sa London.

"Robert Im now going, Lylle, Laverne and the rest of the production team will take care of everything." pagpapaalam ni daddy kay tito.

"Yeah, yeah...have a safe trip. Hope to see you soon. Extend my regards to Luisa (my mom)." sabay tapik ni tito sa balikat ni daddy.

Bumaling naman si daddy samin bago siya umalis.."Lylle, Lav kayo na bahala."

"Yes po, ingat po!" sabi ni Lylle

"Bye Dad, Im gonna miss you and Mom." hinalikan ako ni daddy bago tuluyang lumabas ng conference room.

Masaya ang lahat habang kumakain..mukhang magiging masaya nga ang project na to para sa lahat lalo na kay Lylle.

"What's with Lady Gaga's poker face?" kunot noong tanong ni Lylle.

"Nothing." naiiritang sagot ko sa kanya at deretso pa rin ang tingin sa pagkain na nasa harap ko.

"Nothing...nothing your ass!" sabay batok ni Lylle sakin. Sadistang bakla, batukan ba naman ako sa harap ng pagkain. Ganyan na ba kaobvious ang mukha ko? Suwail na face to ipinagkakanulo ako.

"Eehhh..." di pa rin ako humaharap sa kanya. Tinutusok tusok at pinapaikot-ikot ko ng tinidor ang pasta na nasa plato ko.

"Anung ehh?? Sino na naman ang biktima ng murderous mind mo? Girl, ang pasta sinusubo at kinakain hindi leeway para pagbuntunan ng galit at sama ng loob. " mataray na sabi Lylle.

Tiningnan ko siya ng masama "There's no need to resort to petty sarcasms to make your point."

"Ang taray teh!! May red visit ka ba ngayon?? Naku Laverne I'm telling you, maganda ang araw ko today. Your Pm-ising won't affect my pretty face." nakangiti pa rin siya sakin.

Pretty face his esophagus! Makaclaim naman ng adjective..Pogi ka hindi ka pretty. Sayang ang lahi nito. Siguro kung naging lalake eto hindi malayo na magkakagusto ako dito kaya lng ewww...mas malandi pa sakin to.

"And speaking..Brb girl, need ko ng magretouch."paalam ni Lylle saka tumayo at sinulyapan ang dako ng beautiful scenery ng conference room.

Tumingin ako sa direksiyon kung saan nakaupo ang apat na members ng banda na masayang nagtatawan habang kumakain. Nung dumako ang mata ko sa demonyo, demonyo na hot na hot, syempre galing impyerno what do you expect?? Bigla siyang tumingin sa direksiyon ko as if he felt like someone's throwing daggers on his face.

That annoying look, anong problema nun sakin? Naku kung nakakamatay lang sana ang talim ng tingin na binibigay ko sa kanya, bull's-eye siguradong dead on the spot na sya ngayon dito.

At feeling ko naging para akong bull talaga na umuusok ang tenga ng may binulong siya sa mga kasama niya para maging dahilan ng pagtingin nila sakin at pilit pinipigilan ang pagtawa.

Tiningnan ko sila ng masama isa-isa at napayuko ang tatlo maliban sa hambog na taas noong nakatitig directly to my eyes wearing that devious smile again.

That Big Jerk!!!

Grrrrrr!!!! Yumuko ako para pigilan ang galit na naramramdaman ko. Baka pag hindi ako makapagpigil ay makagawa pa ako ng hindi maganda. Ayokong mapahiya ang company ng dahil sakin...kaya Laverne inhale....exhale..repeat twice, stand up and get out of the room...now na.

Lumabas ako ng conference room at naglakad patungong ladies room. Nakasalubong ko si Lylle na pabalik ng conference room.

"Oh, magreretouch ka rin girl? Saan banda?" pang aalaska ni Lylle sakin

Eh ano ngayon kung di ako nagmamake- up?? Lip gloss will do..nakikita ang tunay na ganda ng babae pagwalang maraming kolorete sa mukha.

"Ouch!!" sigaw ni Lylle.

Makabawas man lang ng galit at makabawi na rin sa pagbatok nya kanina sakin kaya pinitik ko siya sa noo.

"Quits!" at nagpatuloy ako sa paglakad papuntang ladies room.

Nang makapasok ako sa isang cubicle ay tinakpan ko ang bowl at umupo ako dun. Nagkulong ako ng ilang minuto hanggang sa nahimasmasan na ako ay lumabas ako at tumungo sa sink para maghilamos.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pangit ba ako?? Anung meron sa mukha ko? Do I deserve that mocking look from him? Bakit nanunuya ang mga tingin niya sakin? Napaisip ako.

Tskkk..bakit ko naman pahihirapan ang isip ko. Why would I care about his reaction and opinion?? I dont live just to satisfy his expectation. Neknek nya!

Neknek talaga dahil paglabas ko ng Cr, of all persons na makikita ko, siya na naman??

I'M AFRAID I'M FALLING FOR LEXELL ANTHONY GUEVARRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon